13- That Night I Met A Stranger

4 2 0
                                    


Ilang araw na ang nakalipas simula noong pumunta ako sa bahay nina Ace.
Pinipilit kami ni Tita Martha, na mag-set agad ng date para sa kasal.

"Susunduin ka?" tanong nitong nasa counter kong katrabaho, si Lian.

"Hindi ko alam." sambit ko.

Tinutukoy niya kasi si Ace, simula kasing pumunta ako sa bahay nila, lagi niya na akong hinahatid sundo rito.

Minsan nga sabi ng ibang katrabaho ko, anong level nang kalandian ang ginamit ko? Minsan nakakapag-init rin ng ulo without knowing them na kababata ko si Ace.

"Hala? Ang raming taong nagdadagsaan." sambit ng isang katrabaho ko habang nakatingin sa labas.

Bahagyang natawa naman kami ni Lian, dahil alam na namin kung sino ang papunta rito.

Biglang nagbell naman ang pinto ng boutique means may pumasok kaya napatingin kami rito.

"Hello, Ladies." sambit ni Ace at may hawak-hawak na bulaklak at chocolates.

"Hi Ace."

"Ace, papicture."

"Ang pogi talaga ni Ace."

Mga naririnig namin na sabi ng katrabaho ko at ibang costumer namin kaya naman pinagbigyan niya itong kunan siya ng litrato.

Ilang araw ng pumupunta rito si Ace at karamihan sa mga katrabaho ko, hindi parin sanay. Minsan lang daw kasi sila makakita ng artista sa malapitan.

Nang matapos naman sila'y lumapit agad ito.

"Hey, out niyo na?" tanong ni Ace sa amin kaya naman tumango ako.

"Oo" tipid na sambit ko.

"Here" sambit niya saka iniabot ang bulaklak at chocolates.

"Hala? Nag-abala ka pa. Salamat." sambit ko at kinuha ito.

"welcome" sambit nito. "So.. let's go?" ani nito.

"Ay! Oo, wait lang kunin ko lang bag ko." Dali-dali kong sambit at kinuha ang bag ko.

Pansin kong ang raming costumer ang nakatingin sa akin na para bang kinikilatis ako kaya naman nginitian ko nalang ito.

"Halika na. Ahm.. Lian, mauna na kami." sambit ko at saka medyo hinila si Ace.

"Ba't ba sinusundo mo pa ako? Nakakahiya." pabulong kong sabi.

Binuksan naman nito ang pinto at saka pinauna akong lumabas.

"Bakit ka naman mahihiya?" tanong nito.

"Syempre isa kang artista tapos ang sinusundo mo isang sales lady." sambit ko.

"Manliligaw mo 'ko, malamang susunduin kita." Sambit nito na ikinatigil ko.

Ano daw? Manliligaw?

That Night I Met A Stranger (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon