Part 37: That Night I Met A Stranger

3 0 0
                                    

                   - Lyra Magdangal P.O.V -

"Bakit kailangang dito ako matulog sa kwarto mo?" Takang tanong ko.

"Kasi akin kana." tipid niyang sagot at inalalayan akong mahiga sa kama niya.

Takte! Huwag mong ipahalatang kinikilig ka, Lyra.

"Edi wow!" ani ko at nahiga.

Natawa nalang naman ito at pumunta sa kabilang side nitong kama at nahiga na rin. Humarap siya sa akin at niyakap ako matapos ay ipinatong niya ang ulo ko sa braso niya at para yakap-yakap niya parin ako.

"You know what? I'm really happy." sambit nito.

"Why?" tanong ko.

"Kasi alam kong akin kana and... si Drew? Alam kong wala na siyang pag-asa ulit sa'yo." sambit nito kaya napangiti agad ako.

"I love you, Lyra." ani nito at hinalikan ako sa noo.

"I love you too, Ace." sambit ko.

I never thought na mangyayari yung ganito.

                     - Ace Verlin P.O.V -

Hindi ako makatulog.
Tangina kasi!

Yeah, nagugustuhan ko na si Lyra but that doesn't mean na mahal ko na talaga siya. Pero anong magagawa ko? Isa lang rin iyon sa way ko para maging akin agad siya at matuloy ang kasal kaya sinabi kong mahal ko talaga siya. Gusto kong matapos na agad ito dahil sa kakaunting kilos ni Lyra, nahuhulog ako.

Tiningnan ko naman ang yakap-yakap ko na si Lyra at bigla na lamang akong napangiti habang nakatitig sa maamo niyang mukha.

Ang simple niya at halata mong walang kaarte-arte sa kung anong bagay.

Sigurado akong magiging maswerte ang kapatid ko kung buhay pa sana siya at sila ang magkakatuluyan sa bandang huli.

Bata palang ako noong first time na makita ko ang mukha ni Lyra sa video at bata palang rin siya noon. Napangiti agad ako noon dahil alam ko na kung bakit 'Lyra Sipunin' ang tawag sa kaniya ni Ace? May sipon naman kasi talaga ito at pasinghot-singhot pa sa video minsan nagpupunas pa siya ng sipon gamit ang damit niya at kitang-kita ko rin na sobrang saya nila ni Ace sa video.

Bata palang sila ang rami na nilang videos na magkasama na inipon naman ni Mama.

Hays! How I wish na sumama nalang ako sa kanila noon para manirahan rito para kahit papaano ay nagiging kababata ko talaga si Lyra.

That Night I Met A Stranger (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon