15- That Night I Met A Stranger

4 1 0
                                    


"Pwede ka nang umiyak." Sambit ni Ace, nang makapasok kami sa loob ng kotse niya.

"Bakit ba kasi hinila mo ako paalis doon sa ice cream parlor?" sambit ko.

"Alam kong nasasaktan kana, Lyra. And ayokong makikita kitang umiiyak sa harap ng taong nanakit sa'yo." Ace said, and that's it. Nagsimula nang magsipatakan ang mga luha ko dahil sa sinabi niya.

"Gusto mong uminom?" tanong nito.

"No, uuwi nalang ako. Gusto ko nang magpahinga." Sumisinghot na sambit ko.

Tangina! Bakit kasi nakita ko pa ang dalawang 'yon.

"I'm sorry!" biglang sambit ni Ace kaya napatingin ako rito.

"H-ha? B-bakit?" Tanong ko.

"Kung hindi kita inayang kumain ng ice cream edi sana hindi natin sila makikita. Edi sana hindi ka nasasaktan at umiiyak ngayon." seryosong sambit nito.

"Para namang gago eh! Okay nga lang saka mabuti nga at nakakain uli ako ng ice cream." Natatawang sambit ko.

Para akong tanggang umiiyak na tumatawa.

"Gusto mo pa rin ba ng ice cream?" tanong nito kaya agad naman akong tumango.

Binigyan naman muna ako nito ng panyo bago paandarin ang kotse.

"Sa susunod magdala ka ng panyo, kada ata nakikita kitang umiiyak ako lang ang nagbibigay ng panyo sa'yo." medyo iritadong sambit nito na ikinatawa ko.

Siningahan ko naman ng sipon ang panyo at saka iniabot sa kaniya.

"Edi oh! Iyo na itong panyo mo." sambit ko.

"Tangina! Lyra Sipunin, kadiri ka!" sambit nito na parang iniiwas pa ang sarili niya sa panyo dahilan nang pagtawa ko.

Ilang minuto pa at inihinto ni Ace ang kotse sa tapat nitong manong na nagtitinda ng ice cream.

"Manong, pabili pong dalawa. May ube po ba diyan?" tanong ni Ace, na hindi man lang bumababa ng kotse.

"Meron po."

"Sige po, manong. Dalawang ube po." Sambit nito.

Hindi naman kami naghintay nang matagal dahil kaagad ring ibinigay ni Manong ang ice cream namin saka naman iniabot ni Ace ang bayad.

Sa loob na namin ng kotse inubos ang ice cream matapos ay hinatid na ako nito sa apartment namin ng pinsan ko.

"Thanks, Ace." sambit ko.

"Welcome, next time ulit." Sambit nito at saka pinaandar na ang kotse.

Pumasok naman na ako sa gate at nakitang nasa labas ng bahay si Lei.

"Ba't ang tagal mong umuwi? May naghihintay sa'yo ang pogi rin." Kinikilig na sambit ni Lei.

"Ha? Sino naman?" Takang tanong ko.

"Pumasok ka kaya para malaman mo."

Hindi ko naman na pinansin ang sinabi nito sa halip ay pumasok nalang.

That Night I Met A Stranger (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon