Part 33: That Night I Met A Stranger

3 0 0
                                    


"Ayos lang kayo?" Tanong ko sa dalawang kasama ko.

"Yeah, ang saya rito." sambit ni Drew, na siyang nginitian ko. Kalaro kasi nila ang tatlong bata.

"Oy! Oy! K-Kiko, get down there. Baka mahulog ka." Kinakabahang sambit ni Ace dahil umakyat sa puno ng Mangga si Kiko.

Natawa naman ako pero agad ring sinabihan na bumaba si Kiko.

Nang makababa naman ito, agad itong lumapit kay Ace.

Naalala ko tuloy yung lugar kung saan kami dati naglalaro ni Ace noong mga bata palang kami.

"Ace, naalala mo ba yung pinaglalaruan natin dati na ilog?" Nakita ko namang nagulat si Ace sa sinabi ko at sigurado akong nakita iyon ni Drew dahil katabi ko lang ito.

"Y-yeah? W-why?" Utal na sabi nito.

Bakit parang may mali sa kaniya?

"Wala lang." Kibit balikat kong sabi at saka nagsalita ulit. "Sa susunod punta ulit tayo doon, pero isasama na natin si Drew ani ko.

Kaninang umaga pa kasi kami rito at wala ng oras para pumunta doon. Babalik narin kasi kami kina Ace.

"Ahm.. Magga-gabi na, anong oras tayong uuwi?" sambit ni Drew.

Tama siya, isa pa baka mawalan kaming masasakyan.

"Uuwi na rin tayo. Samahan niyo akong magpaalam kay tita." sambit ko at naglakad.

"Tiya, alis na po kami. Kina Ace, naman po kami tumutuloy. Babalik na lang po ulit kami." sambit ko.

"Ah! Ganun ba? Sige, mag-iingat kayo." ani nito.

Nagsimula naman na kaming maglakad at naghintay nang masasakyan.

That Night I Met A Stranger (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon