Part 35: That Night I Met A Stranger

3 0 0
                                    


                - Lyra Magdangal P.O.V -

"Manang, nakita mo ba si Drew?" Tanong ko kay manang nang makapasok ako rito sa kusina.

Pumasok kasi ako sa kwarto ni Drew at wala siya roon pati ang mga gamit niya.

"Hindi e! Tanong mo kay Sir." ani ni Manang kaya napatango nalang ako.

Sandali akong natigilan nang maalala 'yung nangyari kagabi.

Bakit pa kasi kami nagkiss? Mukhang magiging awkward tuloy.

Nagsimula naman na akong maglakad papunta sa kwarto ni Ace at mabilis na kumatok sa pinto nito

*Toktoktok*

"Ahm.. Ace?" Pagtawag ko saka bumukas ang pinto.

Nakita ko namang seryosong nakatingin sa akin si Ace kaya parang kinabahan ako bigla.

"A-ace, a-ano.. hmm.. N-nakita mo ba si D-drew?" nauutal kong tanong.

Pota! Awkward!

"Yeah, umalis na. Kailangang-kailangan na raw siya sa company nila kaya umalis na. Isa pa, hindi na siya nakapagpaalam sa'yo dahil tulog ka." diretsyang sambit nito.

"A-ah! Ganun ba? Sige, salamat." sambit ko.

Akmang isasarado na niya sana ang pinto nang pigilan ko ito.

"T-teka! A-ano.. bumaba kana. Mag-aalmusal na." sambit ko.

"Sige." tipid na sambit nito saka ngumiti.

Tangina? Parang may kung anong naramdaman ako sa mga ngiti niyang iyon kaya naman parang lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Mabilis na naglakad naman na ako pababa papunta sa dinning area. Hinintay kong i-served nina Manang ang almusal.

"Salamat po." sambit ko at nagsimula nang kumuha ng mga kakainin ko.

Nakita ko namang papunta na rito si Ace, na halatang kakaligo lang.

"Oy! Kumain kana." pagtawag ko rito at itinuro pa ang mga pagkain sa hapag.

"Tss!" ani nito at umupo saka nagsimulang kumuha nang makakain niya.

Edi wow! Bakit ba ito galit sa akin? Eh siya naman yung nanghahalik.

Natapos na kaming mag-almusal na hindi man lang nag-iimikan. Sabay rin kaming umaakyat rito sa hagdan nila.

Sandaling napahinto ako at hinarap siya.

"Ace" pagtawag ko sa kaniya.

"Oh?"

"G-galit ka ba sa akin?" tanong ko.

"Hindi." tipid at seryosong sambit nito.

"Eh bakit hindi mo ako kinakausap o iniimikan man lang?" inis na tanong ko.

" 'coz I don't want to." sambit nito.

"Ano bang problema mo?" tanong ko rito.

"Wala." tipid na sagot niya.

Sobrang naiirita na ako sa kaniya kaya mabilis na naglakad ako patungo sa kwarto ko.

Napagpasyahan kong kina Tiya (tita) na muna ako makikitira. Tutal sa kanila naman talaga dapat ako magbabakasyon.

Inayos ko naman na ang mga gamit ko at akmang aalis na nang makita ko ang lalaking nakatayo sa pinto nitong tinutulugan ko.

Seryoso lang itong nakatingin sa akin.

"Anong ginagawa mo diyan? Kanina ka pa diyan?" tanong ko.

Pero imbis na sagutin ako nito ay nagtanong din ito.

That Night I Met A Stranger (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon