25- That Night I Met A Stranger

3 1 0
                                    


Habang bumabyahe kami kanina, dumaan narin kaminsa Mall para bumili ng mga damit at pagkain na pampasalubong.

Malapit-lapit narin naman kami at si Ace na ngayon ang nagdadrive ng kotse ni Drew.

"Naiihi ako." ani ni Ace kaya iginilid na muna ang kotse at nagmamadaling lumabas ng kotse.

"Wait! Susunod ako." Ani ni Drew at labas rin.

Ang ending ako ang natira sa loob ng kotse.
Tiningnan ko naman ang mga katabi kong pasalubong at punong-puno ito dahil ang rami rin ng ipinamili ng dalawa.

Nang makabalik ang dalawa, agad kong kinausap si Ace.

"Ace, sa mansyon niyo nalang kaya muna tayo tumuloy? May kuryente kasi sainyo at kompleto ang gamit niyo." suggest ko.

"P-pero limot ko yung d-daan papunta doon, Lyra." ani nito.

"Ngi? Ay! Ako alam ko. Ituturo ko nalang."  Sambit ko kaya tumango-tango ito.

Weird.

"May bahay kayo rito, Ace?" takang tanong ni Drew.

"We have. And, kababata ko iyan si Lyra. I call her Lyra Sipunin." natatawang sambit ni Ace na ikinapula ng pisnge ko.

"Gago ka, Ace. Sinabi mo pa talaga kay Drew." sambit ko at bahagyang pinalo ang braso nito at tatawa-tawa naman ito.

"So.. you are very close? Since you two are childhood friends." ani ni Drew.

"Yep, and we have a promise since then." ani ni Ace.

"Kaliwa." Sambit ko at itinuro ang daan kay Ace.

"What promise?" tanong ni Drew.

"Kaliwa ulit." sambit ko.

"Magpapakasal kami kapag nagtanda kami." sambit ni Ace at ngiting-ngiti pa.

"Hindi ko hahayaang mangyari iyon." sambit ni Drew.

"Ewan ko nalang." Ngisi-ngising sambit ni Ace.

Ano bang nangyayari sa dalawang ito.

"Kanan. Waah! Malapit na tayo." ani ko.  "Doon tayo sa may ilaw sa labas nung malaking gate. Iyan na ang mansyon niyo." Dagdag ko pa.

Saktong alas syete na ng gabi at bumusina na si Ace sa labas ng gate.

*Beep* *Beep*

May lumabas naman na guard kaya tiningnan ito ni Ace.

"Sir. Jace, kayo po pala." ani nitong guard kay Ace.

"Ah! Manong pabukas. Pakibilisan." utos ni Ace.

Ako lang ba ang nakarinig na mali ang tawag ni Manong guard kay Ace? Ano raw? Jace?

That Night I Met A Stranger (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon