19- That Night I Met A Stranger

3 1 0
                                    


"Naks! Ang swerte mo, girl. Dalawa ang nanliligaw sa'yo." sambit ni Lian at sinundot-sundot pa ang tagiliran ko.

Napabuntong hininga naman nalang ako nang maalala ang mga sinabi ni Drew kanina.

Sinabi nito na liligawan niya raw ako ulit at wala na akong magagawa para patigilan siya sa panliligaw niya.

"Miss, may Lyra Magdangal po ba rito? Special delivery." sambit ng lalaking pumasok rito sa boutique.

"Ay! Meron ito oh! Oy! Lyra, special delivery raw." sambit ni Lian at tinulak-tulak pa ako.

"Ano ito, Kuya?" tanong ko.

"Ah! Mga pagkain, Ms. Lyra. Galing po kay sir Ace Verlin. Ubusin mo raw po iyan." sambit nito. "Ahm. Pakipirmahan nalang po ito." Sambit nito at saka iniabot sa akin ang isang papel.

Pinirmahan ko naman ito bago niya i-abot sa akin ang mga nakapackage na pagkain.

Wala man lang akong nakitang letter rito kaya naman itinabi ko na muna ito.
Isang oras pa kasi bago ang break time namin.

"Lyra, ano iyon? Kanino daw galing?" utchosong tanong ni Lian nang pumunta ako sa pwesto niya.

"Ah pagkain, padala ni Ace." sambit ko.

"Luh? Sana all. Kapag ako ang nagkaroon ng manliligaw na ganiyan hindi ko na pakakawalan." Kinikilig na sambit nito.

Ibigay ko nalang kaya sa kaniya si Drew?

"Hayaan mo, may manliligaw rin sa'yo na katulad ni Ace ang ugali." Sambit ko at bumalik na sa pwesto ko.

Ilang oras ako ritong nakatayo bago magbreak time at excited akong kumain sa ibaba.

"Oy! Anong pagkain yung ipinadala ni Ace?" tanong ni Lian na kasama ko ngayon rito sa may food court.

"Teka hindi ko pa nabubuksan eh." sambit ko at inilapag ito sa lamesa.

"Buksan mo na dali!" excited na sambit nito.

Ginawa ko naman ang sinabi nito at agad na natakam nang makita kong may pizza, adobo, kare-kare at may ilang Japanese foods rin na kasama. Halos lumaki a g mata ko sa mga masasarap na pagkain na nakikita ko.

"Wow! Ang rami naman niyan. Penge naman ako." sambit ni Lian.

"Sige, upo ka." Sambit ko at sinimulan nang lantakan ang mga pagkain.

Tangina! Ang saraaaap.

"Hala? Ang sarap naman nitong mga ito, Lyra." Sambit nito at tuloy-tuloy na sumubo ng pagkain. Huwag sana kaming mabulunan rito.

Agad ko namang kinuha ang phone ko at nagtype ng message para kay Ace.

"To: Ace

Ace, thank you sa food na ipinadala mo. Grabi ang sasarap. Maraming salamat ulit. "

Sinend ko naman na ito at agad ring nakatanggap ng reply.

"From: Ace

You're welcome, magpakabusog ka. Ayaw kong nagugutom ka. I will pick you up later may tinatapos lang akong recording."

Tumango-tango naman ako nang mabasa ang reply nito.

That Night I Met A Stranger (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon