3- That Night I Met A Stranger

10 2 0
                                    


"How come na magtatrabaho ka ngayon e may hangover ka pa?" Tanong sa akin nitong katrabaho ko rito sa isang boutique sa mall.

"Kailangan ko naman kasi ng pera, kaya kailangan magtrabaho kahit may hangover." Natatawang sambit ko.

Hanggang ngayon, medyo masakit parin ang ulo ko.

"Miss, may medium size ba kayo nito?" tanong ng isang costumer namin kaya sandaling natigil ang pagkekwentuhan namin.

"We have, ma'am. Iyan na rin po ba ang kulay na gusto niyo?" tanong ko sa costumer at kinuha ang maroon dress na hawak nito.

"What do you think? Babagay kaya sa akin ang kulay maroon?" tanong nito.

Hindi naman ito masyadong bata o masyadong matandang tingnan. Siguro nasa 40+ pa ito.

"Suggest ko lang po, ma'am yung kulay light blue para fresh at blooming pa rin ho kayong tingnan." Nakangiting sambit ko.

Nginitian naman ako nito.

"Okay, I'll get the light blue one. Medium." natatawang sambit nito kaya naman tinanguan ko ito at saka naglakad paalis para kumuha nung dress na gusto niya.

Agad ko naman itong nakuha at agad na ibinigay sa kaniya.

"Here you go, ma'am. Andoon po yung fitting room pwede niyo pong sukatin. Samahan ko na po kayo." pag-aaya ko pero umiling lamang ito.

"Haha huwag na, iha. Babayaran ko na ito agad dahil nagmamadali rin naman ako eh. Thank you!" sambit nito.

Nginitian ko naman ito saka ito naglakad papunta sa counter.

Babalik na sana ako sa pwesto ko, nang tawagin naman ako ni Lian. Katrabaho ko na nasa counter. Nakita ko rin naman na sa kaniya nagbabayad yung babae kanina.

Agad naman akong lumapit doon.

"May problema po ba sa dress, ma'am?" Tanong ko pero nginitian lang ako nito.

"Wala, iha. I will give you a VIP ticket para sa isang concert. And, please pumunta ka."

That Night I Met A Stranger (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon