17- That Night I Met A Stranger

3 2 0
                                    


"Magandang umaga, hindi kana nakakain kagabi. Nga pala pupunta raw rito ngayon si Drew." mabilis na sambit ni Lei, habang naghahanda ng almusal.

Hindi ko naman pinansin ang sinabi niya sa halip nagtimpla nalang ako ng kape.

"Good morning." Agad kaming napatingin ni Lei sa pinto dahil sa nagsalita. Si Drew.

Ano bang ginagawa nito dito? Tangina!

"Oy! Sakto, good morning. Upo ka, almusal tayo." Pag-aaya ni Lei.

Akala ko ba galit ito kay Drew? Ba't mukhang close na sila?

"Sige-sige. Nga pala may dala rin akong pang almusal." sambit ni Drew at inilabas ang mga pagkain.

"Salamat." sambit ni Lei. "Oh! Hindi mo man lang ba babatiin ng good morning itong si Drew? Tahimik ka eh" ani ni Lei saka umupo sa tabi ko.

Tiningnan ko lang naman si Drew at saka bumalik sa paghigop ng kape.

"Nga pala, Lyra. Ito oh, bulaklak para sa'yo." sambit ni Drew at iniabot sa akin ang isang bouquet ng bulaklak.

"Gagawin ko diyan?" tanong ko. "Saka bakit andito ka? Asan girlfriend mo?" tanong ko ulit.

Akmang magsasalita na sana ito nang may biglang pumasok.

"Good morning." Nakangiting bati nito at saka sandaling natigilan. "Bakit andito ito?" tanong ni Ace at itinuro pa si Drew.

"Bro--" hindi ko na pinatapos pang magsalita si Drew dahil agad akong tumayo at hinila si Ace.

"Ba't ang aga mo? Hindi pa ako naliligo eh!" sambit ko at ngumuso pa na parang bata.

Mukhang nagets naman niya ang mga galaw ko.

"I'll wait for you. Tapusin mo na muna iyang almusal mo." sambit nito at hinalikan ako sa noo.

Tangina? Nagulat at the same time kinilig ako doon.

That Night I Met A Stranger (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon