23- That Night I Met A Stranger

3 1 0
                                    


"Oy! Lyra, gising." Pagpukaw ni Lei sa akin at sinundot-sundot pa ang pisnge ko.

"Hmm" ani ko at nagkulob sa kumot.

"Hoy! Gaga, gising mag-aalas singko na. Hindi ba babyahe kapa papunta sa probinsya niyo? Saka naghihintay na sa labas yung dalawang manliligaw mo." ani ni Lei, na ikinabangon ko bigla.

"Ha? Anong dalawa? Ang alam ko isa lang isasama ko." gulat na gulat na sambit ko at nakitang napakamot sa ulo si Lei.

"Ay! Sorry, pumunta kasi rito si Ace kagabi kaso tulog kana kaya naikwento ko sa kaniya na aalis ka, para umuwi sa probinsya niyo." natatawang sambit ni Lei at natatawang lumabas ng kwarto ko.

"Gaga ka!" Sigaw ko at nag-ayos muna bago lumabas.

Nauna kong kinatok ang bintana ng kotse ni Drew.
"Hoy, pasok ka muna sa loob." sambit ko dahilan para lumabas ito sa kotse niya.

Sumunod namang nakita kong natutulog si Ace sa loob at parang kulang ito sa tulog.

Kinatok ko rin ang bintana ng kotse niya. Nagising naman agad ito at binuksan ang kotse niya.

"Ace, pasok ka muna sa loob." Tumango naman ito at parehong sumunod sa akin sa loob.

Pinaupo ko naman ang dalawa at saka tiningnan si Ace.

"Anong ginagawa mo rito, Ace?" tanong ko.

"Naikwento kasi ng pinsan mo na maaga kang aalis kaya naman pumunta agad ako rito kahit wala pa akong masyadong tulog. Gusto kong sumama, Lyra." Parang batang sambit nito at halata naman talaga sa kaniyang kulang siya sa tulog.

"Ikaw naman, Drew. Bakit ang aga mong pumunta rito? Usapan natin alas singko pero alas tres palang ah! Ba't andito kana?" tanong ko.

"Excited lang" ani nito na ikinatawa ko.

"Alam niyo kulang kayo sa tulog. Mag-aayos na ako, pwede naman kayong matulog sa kwarto ko. Malaki naman yung kama ko roon at kasya kayong dalawa. Maari kayong matulog roon." pag-aalok ko kaya naman agad na tumayo ang dalawa at pinasunod ko papunta sa kwarto ko.

"Oh! Magtabi nalang kayo, gigisingin ko nalang kayo kapag tapos na ako." Ani ko.

Mabilis pa sa alas kwatrong nahiga ang dalawa sa magkabilang side at hindi man lang nagkainitan ang dalawa. Nagkasundo dahil parehong antok HAHAHAHA!

Napagdesisyunan ko namang mag-init muna ng tubig para sa panligo ko dahil alas tres palang at malamig ang tubig.

Nagkape naman muna rin ako para naman mainitan ang sikmura ko. Matapos ay naligo na ako.

"Tangina! Ang lamig." Sambit ko matapos akong maligo.

Dali-dali naman akong nagbihis dahil sa nilalamig parin ako. Ginawa ko rin naman ang skin routines ko.
Alas kwatro na at mahimbing paring natutulog ang dalawa.

Hindi naman na ako nag-abala pang ayusin ang mga dadalhin kong damit dahil kagabi palang ay naayos ko na ang mga gamit na dadalhin ko.

Halos kalahating oras pa ang natitira bago mag-alas singko at napagpasyahan kong mamaya ko nalang sila gigisingin. Dahil kulang sila sa tulog.
Pwede naman kaming bumyahe ng alas syete dahil hindi pa naman matraffic kapag ganoong oras.

Malaki pa naman ang space nila sa gitna nitong kama kaya napagdesisyunan kong mahiga sa gitna nila dahil inaantok pa ako. Kinuha ko naman ang cellphone ko at nag-alarm ng 6:50am para may 10 minutes pa kaming mag-ayos bago kami bumyahe.

That Night I Met A Stranger (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon