Part 32: That Night I Met A Stranger

3 0 0
                                    


"Sinong nanghahalik? Si Lyra Sipunin." pagkanta ni Ace, gamit ang tono ng theme song ng SpongeBob.

"Ano ba? Hindi ka ba titigil?" irita kong sabi rito.

"Hindi." Natatawang sambit nito.

"Ge." Tanging sambit ko at saktong kakalabas lang ni Drew.

"Magkokotse pa ba tayo o magcocommute?" tanong nito.

Si Drew, nakasimple maong pants lang at t-shirt pero sobrang lakas ng dating niya. Ampogi pa.

"Magcommute nalang tayo, Drew. Baka hindi kumasya yung kotse sa dadaanan natin eh." Ani ko.

Kukunin ko na sana yung mga pasubong nang marahang tapikin ni Drew ang kamay ko.

"Ako na ang magbubuhat niyan. Pumara kana lang nang masasakyan natin." ani nito.

Ginawa ko naman ang sinabi niya habang ang dalawa ay naghihintay. Hindi rin nagtagal at may tricycle na dumaan kaya pinara ko ito.

"Oh! Sakay na." ani ko sa dalawa.

Sasakay na sana ako sa loob nang napansin kong nag-uunahan ang dalawa na parang gustong tumabi sa akin.

"Magsitigil nga kayo. Oh! Sige, doon ako likod nung driver diyan kayong dalawa." sambit ko at pumunta sa likuran nung driver at doon sumakay. Sumakay narin naman sila kaya sininyasan ko ang driver na paandarin na.

"Brgy. Del Rosario po, Manong." Sambit ko at tumango-tango naman ito.

Mag-iisang taon na rin simula nang umalis ako rito pero mukhang wala paring pinagbago. Mabato at hindi parin ayos ang daan. Nauuntog na ako dahil sa kakaalog nitong sinasakyan namin. Pota!

"Manong, dito nalang po." sambit ko at mag-aabot na sana ng bayad pero pinigilan ako ni Ace.

"No, ako na ang magbabayad." ani nito at inabot ang buong 500.

"S-sir, wala po akong panukli diyan." Kamot sa ulong sambit nitong driver.

"Okay lang, Manong. Keep the change." ani nito.

"S-salamat po." nginitian ko nalang naman ang driver at umikot papunta sa kanila.

"Ano? Diyan nalang kayo? Hindi na kayo bababa diyan?" inis na sambit ko.

"A-ay! Sorry. Hindi namin alam." ani ni Drew at mabilis na bumaba at sumunod naman si Ace.

Umalis naman yung tricycle at saka ako nagpatuloy sa paglalakad papunta sa bahay ng tiya (tita) ko.

"Tiya Lilya?"

"Tiya Lily--" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang nakita ko na itong lumabas ng bahay.

"WAAAAAAH! LYRA!" masayang bati nito at kaagad na niyakap ako.

Bumitaw rin ito agad at tinawag nito ang mga pinsan ko, na mga anak naman niya.

"Levi"
"Kiko"
"Bela"

Pagtawag nito at mabilis lumabas naman ang tatlo sa bahay nila, nang makita naman ako nitong tatlo, agad silang nag-unahan para mayakap ako.

"Ate Lyra, namiss ka namin. Dito kana ba ulit titira?" Tanong ni Bela, na halata mong masaya.

"H-hindi, bibisita lang." sambit ko.

Nakita ko naman ang dalawang kasama ko. Hindi ko pa nga pala sila naipapakilala.

"Tiya Lilya, si Drew at Ace po." ani ko at itinuro ang dalawa.

"G-good morning po." ani ni Drew at saka nagmano ganun rin naman ang ginawa ni Ace.

"Magandang umaga rin, ang ga-gwapo niyo naman. Halika pasok kayo." ani ni Tita at pinatuloy sila sa loob.

"Ang pogi ni Kuya Drew, noh?" ani ni Bela.

"Oo, pero mas gwapo si Kuya Ace." ani ni Kiko at nagyabang pa.

"Sus! Mas gwapo ako sa dalawang iyan." Pagyayabang ni Levi, na siyang ikinatawa ko.

"Naku! Lumapit nga kayo sa akin." Pagtawag ko sa mga bata.

Nakita ko naman ang dalawang kasama ko, na inaasikaso ni Tita.

"Bakit, Ate?" Tanong nilang lahat.

Kinuha ko naman ang isang plastic na punong-puno ng pagkain at ibinigay ito sa kanila.

"Waaaah! Pasalubong!" Sabay-sabay nilang sambit at saka niyakap ako.

"Salamat, Ate."

Sobrang namiss ko ang tatlong batang ito. Lalo na rin si Tiya, na siyang nag-alaga sa akin simula noong bata palang ako dahil sa pagkawala ng mga magulang ko.



That Night I Met A Stranger (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon