5- That Night I Met A Stranger

4 1 0
                                    


"Oh! Kumusta ang tulog mo?" Tanong nitong pinsan ko habang naghahanda ng almusal namin.

"Okay lang, pero may napanaginipan akong isang batang babae at lalaki." sambit ko at saka naupo sa upuan.

"Ano daw sabi?" takang tanong nitong si Lei.

"Nagmamakaawa yung batang babae na huwag umalis yung batang lalaki." sambit ko at saka kumuha ng baso para magtimpla ng kape.

"Baka naman 'yan yung kababata mo dati sa probinsya?" sambit ni Lei.

"Ngi? Ni-hindi ko na nga maalala yung pangalan nun eh! Saka umalis yun kasi namatay daw yung papa niya eh. Pero di naman na bumalik." sambit ko.

May kababata kasi ako dati sa probinsya. Mayaman sila pero naging magkaibigan kami saka mabait yung nanay nun. Lagi akong pinapakain sa kanila. Kaso umalis sila kasi namatay yung papa niya sa ibang bansa. Yun nalang yung naaalala ko.

"Baka yang kababata mo, na yang napanaginipan mo?" tanong nitong pinsan ko saka sumubo ng pandesal.

"Ewan?" kibit balikat kong sambit. "Papasok ka ba, Lei?" tanong ko.

"Day off ko ngayon, remember?" sambit nitong pinsan ko.

Magsasalita na sana ako nang biglang magsalita ulit ito.

"Naku! Ikaw, Lyra Magdangal, nabigyan ka lang ng VIP ticket naging makakalimutin kana" natatawang sambit nito.

Natawa nalang kami pareho at ipinagpatuloy ang pag-almusal.

Matapos mag-almusal, dali-dali naman akong naligo at nagbihis para pumasok sa trabaho.

Nang makapasok ako sa mall, binati agad ako ng guard.

"Good morning, Lyra."

"Good morning din, Manong." sambit ko at saka dali-daling pumasok sa boutique na pinagtatrabahuhan ko.

"Good morning."

"Good morning." pagbati namin sa isa't-isa nitong mga katrabaho ko.

"Lyra, balita ko nabigyan ka ng VIP ticket ni Madam Verlin, para sa concert ng anak niya." ususerang sambit ni Kim, na katrabaho ko rin.

"Ah oo." tipid na sambit ko.

"Hingian mo rin ako oh!" sambit ni Kim, at saka niyakap pa ako.

"Ngi? Binigay lang ito sa akin, hindi ko hiningi. Hingi ka iyo." sambit ko at saka pumunta na sa pwesto ko.

That Night I Met A Stranger (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon