20- That Night I Met A Stranger

4 2 0
                                    

*Fast forward*

"Sorry kung ngayon lang ako, naghintay ka ba?" sambit ni Ace na kakapasok lang rito sa Boutique. Pawisan ito na parang tumakbo paakyat rito sa 3rd floor.

"Ngi? Siraulo ka ba? Eh! Kaka-out ko nga lang rin." Sambit ko.

Magsasalita na sana ito nang isang grupo ng mga babae ang lumapit sa kaniya. Mga costumer namin ngayon sa boutique.

"Ace Verlin"
"Ace, pwedeng magpapicture?"
"Omg! Ang pogi mo, Ace."

sambit nitong mga babae.

Pinagbigyan naman sila ni Ace na magpicture.

"Ate-ate, picturan mo po kami." sambit nitong isang babae at agad na iniabot sa akin ang camera. Tss! Attitude.

Todo pose naman na sila.

"Okay! 1, 2, 3." sambit ko at saka kinunan sila ng litrato.

Akmang ibabalik ko na sana ang camera sa kanila nang lahat sila magsalita.

"ATE, ISA PA" sambit nila.

Medyo nainis naman ako kaya zinoom-in ko ang camera at itinutok lang ito kay Ace na nakangiti.

"1, 2, 3" Sambit ko at natatawang kinunan sila ng litrato.

"Ate, isa pa. Last na!" sambit ulit ng iba.

Tangina? Hindi ako photographer! Natatawa naman akong tiningnan ni Ace, kaya sinimangutan ko ito.

"OKAY! Isa, dalawa, tatlo." pagbilang ko at saka kinunan ulit ng litrato si Ace. Nakazoom-in parin kasi yung camera.

"Salamat." Sambit nung mga babae at ang ilan ay humalik pa sa pisnge ni Ace ang iba naman yumakap pa.

Ano? Sa akin wala silang pasalamat?

Nakaramdam naman ako nang pagkagulo sa buhok ko, na ginulo-gulo pala ni Ace.

"Uy! Selos." natatawang sambit nito.

"Ngi? Ba't naman ako magseselos?" ngiwi kong tanong.

"Kasi ang raming nagpapakuha ng litrato kasama ako." Sambit nito.

"Malamang artista ka eh! Saka kababata kaya kita, ako ang nauna sa'yo noh!" sambit ko. "Halika na nga." Ani ko at hinila ito palabas ng boutique.

Napapansin ko naman na dumadami ang nagiging costumer namin pagdapit ng hapon. Pati narin rito sa loob ng mall.

Alam na ba nila na may sinusundo rito si Ace?

"OMG! AYAN NA SI ACE VERLIN!" sigaw ng babae at nakuha nito ang atensyon ng mga tao.

Napakarami nila ngayon, parang nasa concert lang si Ace.

"Ace Verlin."
"Ace, ang pogi mo."
"Ace, papicture."

Rinig kong sambit ng mga taong tumatakbo papalapit sa amin. Tangina! Ang rami nila.

"We should run, masyado silang marami baka magkasakitan sila at baka madamay kapa." sambit ni Ace at agad na hinila ako papunta sa may Elevator.

Agad kaming sumakay rito at pinindot ang papunta sa ground floor.

"I think hindi na muna kita rito masusundo ng ilang araw? Mukhang alam na nila na pumupunta ako rito eh!" sambit ni Ace at halatang hingal na hingal.

"O-okay lang." Sambit ko at inaayos ang nagulo kong buhok.

*Ting*

Agad namang nagbukas ang elevator at mabilis kaming tumakbo palabas ng mall nang makita namin ang mga fans niyang papunta na sa pwesto namin.

Sumakay agad kami sa kotse niya na agad naman niyang pinaandar.

"Fuck! Huwag ka muna kayang pumasok bukas, Lyra?" sambit ni Ace, na ipinagtaka ko.

"Ngi? Bakit naman?" Takang tanong ko.

"No-nothing. Basta mag-iingat ka." Sambit nito habang seryoso nang tumingin sa daan.

Makalipas ang ilang minutong pagbyahe. Nakarating din agad kami sa apartment. Agad naman akong bumaba ng kotse.

"Salamat sa paghatid at sundo." sambit ko.

"Walang anuman. Sige, pumasok kana." sambit nito kaya naman tumango ako.

"Sige." 

Pinaandar naman na nito ang kotse niya at saka naman ako pumasok ng apartment.

That Night I Met A Stranger (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon