11- That Night I Met A Stranger

4 2 0
                                    


"Iha, do you remember your promise?" sambit ni tita Martha, na ikinataka ko.

"Ho? Aling promise po?" takang tanong ko.

"I mean yung promise niyong dalawa ni Ace noon?" Sambit nito.

"Hindi po eh, alin po bang promise 'yon?" tanong ko at kinuha ang juice sa harap ng table.

Kanina pa kami rito ni tita Martha, nagkekwentuhan at ang saya-saya namin. Ang rami niyang kine-kwento.

"Bata pa lang kasi kayo noon, pero nangako kayo sa isa't-isa na magpapakasal kayo at sa mismong harap ko pa." natatawang kwento ni Tita Martha, na siya naman muntik kong ikasamid habang umiinom ng juice. Wtf?

"Ti-tita, sigurado ka po bang nangako kami noon ni Ace sa isa't-isa na magpapakasal kami?" gulat na tanong ko.

"Yes! Wait lang, lha. May kukunin lang ako." sambit nito.

"Sige po." sambit ko.

Umalis naman na ito at sandaling naghintay ako.

Si Ace? Andoon sa kwarto niya, may importante raw siyang gagawin.
Pansin kong nag-iba si Ace, dahil naaalala ko pa noon, na dati rati pala ngiti ito at masiyahin pero ngayon ang sungit at akala mo ipinaglihi sa sama ng loob.

"Iha, take a look at this. Noong bata pa si Ace, lagi niya itong pinapanood at sinasabing babalikan ka niya para pakasalan ka." kwento ni Tita Martha.

Iniabot naman niya sa akin ang laptop na may nakasalpak na hard drive. Plinay ko ang video at laking gulat nang mapanuod ko ang sarili ko at si Ace noong mga bata palang kami.

"Tita Martha, promise po namin ni Ace, na magpapakasal kami hindi ba Ace?" sambit nung batang ako sa video.

Bahagyang natawa naman ako kasi ba't naisip namin yung ganito noong bata palang kami? HAHAHAHAHA ang harot namin.

"Yes, Mommy. Tama yung sinabi ni Lyra sipunin, magpapakasal kami paglaki namin. Promise!" Sambit naman nung batang Ace, na ikinatawa namin ni Tita Martha.

Lyra Sipunin? Wtf! HAHAHAHAHA

"Okay! Pero promise me, na huwag kayong mag-aaway ha? Para ikasal kayo paglaki niyo." sambit naman ni tita Martha sa video.

"Yes, Mommy."
"Opo, Tita Martha."

That Night I Met A Stranger (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon