8- That Night I Met A Stranger

3 2 0
                                    


Patapos na ang concert ni Ace pero andito ako ngayon sa backstage. Ipinatawag raw kasi ako ni Mrs. Verlin, ang babaeng nagbigay sa akin ng ticket kaya naman pinuntahan ako ng ilang staff at inalalayang pumunta rito.

"Iha, mabuti nakapunta ka." masayang sambit nito at nagbeso pa sa akin.

"Ay! Opo eh! Sayang rin po kasi." nahihiyang sambit ko. "Anak niyo po pala si Ace? Kung hindi pa po sinabi nung mga katrabaho ko, hindi ko pa po sana malalaman hehe" dagdag ko pa.

"Iha?" parang takang sambit nito.

"Ba-bakit po? Saka Lyra nalang po." Sambit ko.

"Lyra, don't you remember us?" sambit nito kaya naman napa-isip ako.

"Sorry po pero hindi po eh" kamot sa ulong sambit ko.

Magsasalita na sana si Mrs. Verlin nang pumasok sa backstage si Ace.

"Mom, tapos na ang concert." masayang sambit nito at saka hinalikan sa noo ang nanay nito.

"Pahinga ka muna, anak." sambit ni Mrs. Verlin.

Ang sweet naman nitong mag-inang 'to.

"Later, Mom." sambit nito.

May ibang fans naman na ang pumasok na may I.D Pass para rito sa backstage. Siguro meet and greet nila rito at pictures narin with Ace.

"Dito muna tayo sa tabi, iha." sambit ni Mrs. Verlin at saka hinawakan ang kamay ko papunta sa tabi.

"Hindi mo ba talaga kami naaalala, Lyra?" Naniniguradong tanong ni Mrs. Verlin.

"Hindi ho talaga eh. Sorry po" sagot ko.

Napabuntong hininga naman ito at bahadyang natawa.

"Lyra, si Ace ang kababata mo noon sa probinsya niyo sa Bicol. Don't you remember me? Tita Martha?" parang natatawang sambit nito.

Parang bumalik naman sa akin yung mga alaala ko simula noong bata pa ako at saka nakumpirmang sina Tita Martha nga ito.

Napatakip nalang ako sa bibig ko dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"OMG! Tita Martha, kayo nga po 'yon, pasensya na po kung hindi ko na maalala." Masayang sambit ko, habang tumutulo ang luha ko.

Naramdaman ko namang may humawak sa ulo ko at saka ginulo-gulo ang buhok ko dahilan para matawa si Tita Martha.

"Tss. Iyakin."

That Night I Met A Stranger (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon