21- That Night I Met A Stranger

3 2 0
                                    


"Anong size niyo po ba ma'am?" tanong ko.

"Okay na sa akin yung small, miss." sambit nitong babae.

Agad ko namang ibinigay ang t-shirt na gusto niya na Small ang size.

"Thank you."

Ilang oras na rin akong andito sa trabaho at huling pasok ko na ito ngayon dahil nagleave ako ng isang buwan para bumalik sa probinsya namin. Balak kong magbakasyon muna.

Pumunta naman ako sa pwesto ni Lian sa counter dahil sinabi nito kanina na may gusto daw siyang itanong.

"Uy! Te, totoo bang dinumog kahapon si Ace? Anong nangyari?" tanong nito.

"Palabas na sana kami nang may nakakita sa kaniyang isang fan, at sinabing andito raw si Ace, hanggang sa napakadaming fans na ang tumakbo papunta sa pwesto namin. Mabuti nalang at tumakbo kami ni Ace papunta sa Elevator ayon nakauwi parin kami ng safe." pagkwento ko.

"Ah! Nakauwi kayo ng safe? Bakit te, live-in na kayo?" tanong nito.

"Luh? Hindi, I mean naihatid niya ako ng safe." pagpapaliwanag ko.

"Ah! Ganun ba? Sige, balik kana sa pwesto mo." tumango naman ako at akmang babalik na sa pwesto ko nang magtanong ulit ito.

"Susunduin ka ba mamaya ni Ace?" tanong nito.

"Hindi." sambit ko.

Bumalik naman na ako sa pwesto ko nang maagaw ng tatlong babaeng pumasok sa boutique ang atensyon ko.

"Ayon yung babae oh!" sambit nung nasa kaliwa at itinuro ako, na ipinagtaka ko.

"Siya pala." sambit nung dalawa pa.

"Hoy! Gaga, ikaw pala yung lumalandi sa Ace namin? Tangina! Tigilan mo na ang Ace namin. Hindi siya magiging sa'yo." sambit nito at dinuro-duro pa ako.

Tiningnan ko lang naman ang mga ito at inayos ang mga damit sa may pwesto ko.

"Ano? Hindi mo kami iintindihin ha? Tangina mo! Tigilan mo na ang Ace namin. Malandi ka." sambit nung nasa gitna.

Bigla naman uminit ang ulo ko kaya tiningnan ko ang tatlo at maayos akong tumayo.

Tangina! Akala mo ang tatangkad mga 5'3 lang naman ang mga height nito.

"Anong pinagsasabi niyo?" tanong ko.

"Nilalandi mo si Ace."
"Tigilan mo na si Ace Verlin, namin."
Sambit nila at halatang galit na galit na.

Medyo naagaw naman nila ang atensyon ng ibang costumer namin at mga katrabaho ko dahil nagtitinginan na sila rito.

"At bakit ko naman gagawin sa kababata ko iyon?" Sambit ko.

"Sus! Kababata. Basta tangina mo tigilan mo ang lakalandi kay Ace." Ani nitong nasa kanan kasabay nang paghila sa buhok ko nung nasa gitna at kaliwa.

Pota! Baka matumba ako rito nakaheels ako.

"A-aray!" sambit ko.

Mabilis at mapwersang inalis ko naman ang mga kamay nila at kaagad na hinubad ko ang suot kong heels.

Mga gago, tingnan natin kung sino mananalo.

Sumugod naman yung nasa gitna at akmang hihilahin ulit ang buhok ko nang mahawak ko ang panga nito.

Masyado siyang mababa kaya madali ko lang magagawa ang gusto kong gawin sa babaeng ito.

Agad kong sinuntok ang leeg nito dahilan para umubo ito nang umubo at maluha.
Kita ko naman ang pag-aalala nung dalawa kaya nilapitan nila ito.

"Hala? Okay ka lang ba, Janice?" Tanong nung isang babae sa nasa gitna.

Susugod na sana yung babaeng kaninang nasa kanan nang mahawakan ito agad ng isang lalaki. Si Drew.

"Stop!" pag-awat nito at pabagsak na binitiwan yung babae.

Lumapit agad ito sa akin.

"Hey, you okay?" Tanong nito sa akin kaya tumango-tango ako.

"You, call the guards. Huwag manuod lang." Utos ni Drew kay Lian kaya naman dali-daling tumango si Lian at lumabas.

"Sige-sige."

Inayos naman ni Drew ang nagulo kong buhok at sinuklay ito gamit ang kamay niya.

Pinanlisikan naman nitong tingnan ang tatlong babae bago nagsalita.

"Kayong tatlo, kapag nakita ko kayong gumagala-gala rito sa loob ng Mall na pagma-may ari ko, agad ko kayong ipapadampot sa pulis. Huwag na huwag niyo balakin pang saktan si Lyra dahil ako ang makakalaban niyo." ani Drew.

Natahimik naman ang tatlo at ganun rin ako. Ngayon ko lang siyang nakitang ganoon magalit.

"Ito sila mga kuya, sinaktan nila ang katrabaho namin." ani ni Lian at itinuro ang tatlong babae sa dalawang guards.

"Palayasin niyo sila rito at ayaw ko na silang makita pa ulit rito sa loob." utos ni Drew na agad namang sinunod ng mga guards.

"Yes, sir."

That Night I Met A Stranger (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon