MARIBEL
Kararating ko lang dito sa mansion ni Gov. Santiago. Maganda at may mahal na mga kagamitan ngunit malungkot at nag iisa sa isang magarang kuwarto. Bukas ng gabi gaganapin ang pre wedding party at kinabukasan noon ay araw na ng kanyang kamatayan. Habang buhay na magiging miserable ang kaniyang buhay.
FLASHBACK
Mahigit isang buwan na ang nakalipas, isang hapon umuwi si Maribel galing sa iskul inayos niya ang kaniyang clearance para sa lahat ng prof niya bago magkabasyon. Plano na rin niya na magtrabaho sa isang coffee shop na kakabukas lang sa bayan noong nakaraang linggo.
Habang naglalakad papalapit na sa kanilang tahanan napansin niya ang mga maragang sasakyan sa labas ng bahay. Nakita niya ang mga armadong kalalakihan na iba ang titig sa kanya kaya dali dali siyang pumasok sa bahay pero nagimbal siya sa kaniyang naabutan.
Nakita niyang ang kaniyang Tiyo Martin na bugbog sarado at naliligo sa sariling dugo habang ang mga pinsan at Tiya Carmen ay iyak ng iyak.
Nakita niya si Gov. Santiago na galit na nakatitig sa kaniyan Tiyuhin.
"Ang lakas ng loob mo na umutang at sugal ng sugal ka pang hayop ka, wala ka naman palang ibabayad"
"Ma-a-wa po ka-yo Go-gov. Pa-panga-ko po mag-ba-ba-yad a-ko"
"Putang i*a mo!!! Kailan mo ako babayaran kapag puti na ang uwak, ano!!!"
Napatingin sa akin si Gov. at nakita nagbago ang mukha nito. Pinagmasdan ako nito mula ulo hanggang paa. Ngumisi dito sa akin na nagbigay ng kilabot.
"Sino naman itong magandang dilag na ito?"
Nakatitig ito sa akin habang nagtatanong kay Tiyo.
" Maribel po ang pangalan niya Gov pamangkin ko po" Sagot ni Tiya Carmen
" Ganito na lang Carmen at Martin kung gusto ninyo makabayad sa utang ninyo sa madaling paraan tanggapin ninyo ang alok ko sa inyo"
"Anong gagawin namin Gov. para makabayad?" tanong ni Tiya Carmen
Si Tiya na lang nakikipag-usap kay Gov. dahil lupaypay na si Tiyu. Talagang mga walang awa ang mga tauhan ni Gov. Santiago ano ba naman ang laban ng isang matandang lalake sa mga tauhan nitong bata at ang lalaki ng katawan.
" Ipakasal mo sa akin itong magandang pamangkin mo at wala na kayong utang sa akin. Bukod doon ay bibigyan ko pa kayo ng isang milyon at pangkabuhayan."
Hindi ako makapag-salita dahil sa pagkabigla sa aking mga narinig. Pero napaiyak ako ng husto dahil sa sagot ni Tiya.
" Talaga Gov. Sige po, hindi po pa problema na menor de edad pa itong si Maribel sa susunod na buwan pa siya mag dies otso."
"Walang problema dahil konting panahon lang naman ang hihintayin ko. Aldos dahil mo nga si Martin sa hospital at bigyan ng Singkwenta mil si Carmen para sa mga nasirang gamit dito"
Nakita ko ang tuwa sa mga mata ng pinsan at ni Tiya. Agad namang kinuha ni Tiya ang pera mula sa tauhan ni Gov. habang si Tiyo ay agad na isinakay sa isang puting van para dalhin sa ospital.
"Salamat Gov, maraming maraming salamat po Gov." nakangiting sambit ni Tiya
Bago umalis ay muli akong tiningnan ni Gov. Santiago. Ilang minuto na ding naka- alis sina Gov at sumama si Tiya sa ospital. Habang ang mga pinsan ko na sina ate Marie at Sol ay tuwang tuwa dahil sa mga pangako ni Gov.
"Mabuti na lang at dumating ka sa tamang oras Belle kung hindi pinaglalamayan na si Papa" Sambit ni ate Sol
"Ayusin at linisin mo mga kalat dito ha" Sambit ni ate Marie
Agad din umakyat sa taas ang dalawa pagkatapos nila akong pagsabihan na ayusin muna ang mga kalat. Hindi ako kumibo dahil sa sobrang sama ng loob. Mula ng kinupkop nila ako ay pinagtatrabahuhan ko ang bawat pagkaing isusubo ko. Ilang oras lang ang tulog ko dahil hindi naman pamilya ang turing nila sa akin kundi isang katulong kahit hirap na hirap ako ay pinagsasabay ko ang pag-aaral para kapag nakapagtapos na ay makaalis na rin sa puder nila. Mapapaaga ang pag-alis ko pero mas magiging miserable ang buhay ko dahil kay Gov. Santiago.
***********
Sa mga sumunod na araw ay madalas ang pagdalaw ni Gov sa bahay at hindi na rin ako lumalabas ng bahay. Dahil sa nangyari ay mabilis kumalat ang balita sa boung lalawigan ang pagpapakasal ko kay Gov. Santiago. Madalas akong nakakarinig ng mga hindi magagandang salita sa mga taga-rito. Mukhang pera daw ako na nais na agad mayaman kahit na katawan ang kapalit. Na keyso matalino ako at ginamit ang talino para maging reyna ng lalawigan. Wala ako magawa dahil sa mata ng mga taga-rito ay napakabait ng Gov. Santiago siya ang dakilang Ama ng lalawigan na magaling nagtago ng mga masama at ilegal na gawain.
Tuwing dadalaw sa bahay at may dalang masarap na pagkain at maging bagong damit, satapos atbp. Wala akong pakialam na mga binibigay nito kaya napupunta sa mga pinsan kaya tuwang tuwa sila. Nag-iwan din ng bantay si Gov sa bahay gustuhin ko man tumakas ay hindi ko magawa.
Kumuha din ng kasambahay sina tiya dahil na rin sa yun ang gusto ng mga anak niya. Ang tatamad ng mga pinsan niya ultimo panty hindi marunong maglaba. Naging magaan ang buhay ko dahil sa hindi na ako ang mag isang nag aasikaso sa bahay.
"Maribel halika nga rito"
"Tiya bakit po?"
"Darating mamaya si Gov magluto ka ng masarap na ulam, ilista mo ang mga bibilhin para sa kare-kare at binagoong baboy"
Kumuha ako ng papel at ballpen sa bag ko at inilista ang mga sangkap. Agad kong binigay kay Tiya dahil nagmamadali itong makaalis.
Sumapit ang oras ng hapunan talaga inilabas ang mga itinatagong mga kubyertos para magamit sa gabing ito.
"Gov kain ng kain tiyak na masarap yan luto ni Maribel yan" pagmamalaking sambit ni Tiya
"Amoy masarap nga, kagaya mo" sabay bulong ni Gov talagang kinilabutan ako.
Parang gusto kong masuka sa mga oras na yaon. Habang ang mga kasama ko ay ganado sa pagkain at walang pakialam sa nararamdaman ko. Pilit akong kumain kahit parang gusto ko masuka sa mga pa simple hipo nito sa akin.
**********
Bilang na bilang ko ang bawat araw na magdaan dahil papalapit na araw ng aking kamatayan, sa araw na ito ganap na akong dalaga at legal na eded na pwedeng mag-asawa. Simpleng handaan lang ang ginanap dahil hindi ako pumayag na magkaroon ng malaking handaan para sa akin kaarawan.
At tatlong araw mula ngayon ay ang araw ng kasal sa taong walang puso. Ang matandang bansot na yun na saksakan ng kamanyakan.
END OF FLASHBACK
Muli ay bumalik sa kasalukuyan nakita ko ang aking repleksyon sa salamin. Ito ang angking ganda na pinapangarap ng marami ngunit ito rin ang mukhang nagdala ng kamalasan sa akin.
BINABASA MO ANG
HIS Lovely Young Bride (COMPLETED)
Romance"The moment I saw you something on you has a spell to break my heart of stone and I know you are mine. " Date Started : Oct. 22, 2019 Date Finished: Jan. 18, 2019 Highest Ranking #6 craziness - as of Dec 5