Kabanata 32

14.5K 298 29
                                    


***MARIBEL***

"Andrius"

"Yes wife"

"Manganganak na yata ako"

"WHAAAATTTT?"

Nakita ko na natataranta ng husto si Andrius hindi malaman kung ano ang gagawin tatawagin ba ang kasambahay o bubuhatin ako.

"Andrius"

"Yes Wife"

"Samahan mo muna ako sa banyo kasi mag shower lang ako saglit"

"Ok wife, are you still okay?"

"kaya pa naman ang sakit"

Mabilis na ligo lang ang ginawa ko, pagkalabas ko ng banyo ay nakahanda na rin ang mga gamit na dadalhin sa ospital. Mahigit isang oras din ang itinagal ng byahe bago makarating sa ospital. Sa wheelchair ako pinaupo at may kaunting interview bago ako ipa admit at si Andrius na muna ng fill up ng form. Diretso na ako sa delivery pero hindi pumayag si Andrius na hindi makasama sa loob.

Kaya mas lalong lumakas ang loob ko. Dumating ang isang batang doktora ay ng IE sa akin.

"4cm pa lang misis, kapag hindi pa bumukas ang cervix ninyo after ng isang oras we need to undergo emergency cs, kapag natuyuan kayo ng tubig ay mahihirapan baby ninyo at hihina ang tibok ng puso nila"

"Ok po dok"

"Maiwan ko muna kayo"

Niyakap ako ni Andruis at pinalalakas ang loob ko.

"Everything will be alright wife, don't you worry."

***ANDRIUS***

Sobrang kabado ako habang naririnig ang sinabi ng doktora. Hindi ko pinahalata sa asawa ko na parang gusto ko ng mag passout sa sobrang nerbiyos. Isinagawa ang emergency cs ayon sa monitoring hindi na bumababa ang mga babies at humihina na rin ang pintig ng puso nila  at hindi pa rin bumuka ng husto ang cervix ng asawa ko.

Sobrang kabado ako habang naghihintay sa lobby ng operating room. Palakad lakad ako at hindi mapakali alam kong hilo at naiinis ang mga naroon sa akin pero wala akong pakialam. Ito rin ang unang pagkakataon na paulit-ulit akong nanalangin para maging maayos ang operasyon para sa asawa ko.

Matapos ang dalawa o tatlong oras ay lumabas na rin ang doktor.

"Mr. Dela Torre"

"Dok, kamusta ang asawa ko, yung mga babies okay na ba sila?"

"Maayos na ang asawa ninyo, parehong malusog ang mga babies. Ililipat na muna namen ang mga babies sa nursery room habang si Mrs. Dela Torre will be stay at recovery room for one hour bago ilipat sa private room."

"Thanks dok"

******

Habang nasa recovery room si Maribel ay nasa nursery room muna ako pumunta para makita ang mga boys.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
HIS Lovely Young Bride (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon