*ANDRIUS*Puno ng takot ang aking nararamdaman ikalawang araw na pero hindi pa rin makita si Maribel. Napuntahan ang isla kung saan nasagip ang mga babaeng biktima ng human trafficking.
Ngunit walang yate na dumating sa isla. Dahil may bagyo hindi nakapagsagawa agad ng search and rescue operation.
Sa ikatlong araw humupa na ang bagyo. May mga bangkay na nakita malapit sa isla may tama ng baril sa ulo lahat. Tapos nakita na rin ang yate ang nagpakaba sa akin dahil lumubog ito dahil nagkaroon ng matinding pinsala.
"Mr. Dela Torre may nakita pong bangkay ng babae sa loob ng yate pero hindi na makilala dahil sa lumubo na ito."
Parang hindi ako makahinga sa sobrang kaba. Nagpasya na akong silipin ang bangkay. Nakita ko ito na nakatakip ng kumot at nangangamoy na rin.
Binuksan ko ang bangkay nakita na may tama ng baril ito sa noo. Hindi na makilala ang bangkay pero nanangis ako ng makita ang suot na alahas ito ang huling regalo ko sa kaniya.
Binuksan ko ng husto nakita ko ang wedding ring sout pa niya.
"Ahhhh ahhhh fucking shit!!! , my wife!!! , my lovely wife!!!"
Wala na akong pakialam kung makita nila ang pagtangis ko. Sobrang sakit dahil hindi man kami nito binigyan ng pagkakataon na magsama ng matagal.
"Mr. Dela Torre kailangan namen ipa-autopsy ang bangkay na asawa ninyo"
Hindi ako sumagot niyakap ko husto ang bangkay ng asawa ko. Binalot ko muli ng kumot para maging maayos ito.
*******
Matapos ang autopsy ay
agad na pina-cremated ang bangkay ni Maribel. Inisisi ko ang sarili ko dahil hindi ko magawang ipagtanggol ang asawa ko.Dumating ang autopsy report mas lalo akong nasaktan dahil nakita sa resulta na ginahasa ang asawa ko at hindi baba sa sampung tao. Halos isumpa ko ang araw kung bakit sinapit ng asawa ko ang napakakilabot na kamatayan.
Gabi gabi ay umiinom ako dahil nahihirapan akong makatulog. Parang araw araw ay unti unti akong namamatay sa pangungulila sa kanila.
*DOMINGO SANTOS*
Habang naglalakad kaming mag-asawa sa mahabang dalampasigan ay may napansin silang tao sa may pampang.
Dali-dali ang paglakad namen para malapitan kung sa sinoman. Makita nila ang isang babae na walang malay agad na tiningnan ang pulso at tibok ng puso.
"Gracia mahina ang tibok ng puso at pulso, inaapoy na rin ito ng mataas na lagnat."
Mabilis na humingi ng tulong ang asawa ni Gracia. Maya maya lang ay bumalik ito kasama ang ilang mangingisda.
Agad na binuhat ang babae papunta sa kanilang tahanan.********
Dalawang araw na pero wala paring malay ang babae. Nagtamo ito ng malaking sugat sa kanan bahagi ng ulo.
Umaayos na rin lagay nito.Sa ikatlong araw na nagising ang babae ngunit walang maalala. Kaya binigyan namen ng pangalan at tinawag na Angela dahil buwan ng agosto namen siya nakita sa pampang.
Mahigit isang linggo ng makaramdam ng pagkahilo at pagsusuka kaya dinala namen siya sa center. Napag-alaman namen na mahigit dalawang buwan na itong nagdadalang tao.
Habang wala pa maalala ay ipinasya namen na kupkupin dahil hindi kami biniyayaan ng anak. Ngayon ay binigyan kami ng Diyos ng mabait na anak at may apo pa.
******
Mabilis lumipas ang panahon hindi pa rin gumagaling si Angela dahil na rin malayo ang ospital dito sa aming baryo. Wala din kaming pambili ng gamot na kakailangin para gumaling.
BINABASA MO ANG
HIS Lovely Young Bride (COMPLETED)
Romance"The moment I saw you something on you has a spell to break my heart of stone and I know you are mine. " Date Started : Oct. 22, 2019 Date Finished: Jan. 18, 2019 Highest Ranking #6 craziness - as of Dec 5