Kabanata 15

15.3K 348 27
                                    


*JOVEN*

Lahat kami ay napatingin sa batang babae nakuha nitong ngumiti kay bossing. Masasabing maganda ang bata pero ewan nakakatakot kung ngumiti.

Napatigil si bossing sa paglalakad at napatingin sa bata. Tinanggal nito ang sun glass sa mata at lumuhod paupo para magpantay sila ng mukha ng bata babae.

Nakita ko ang tapang ng bata at nagawang salubungin ang titig ni bossing. Kahit kaming matagal ng naglilingkod ay hindi magawa ang makipagtitigan kay bossing.

"Hey my brave princess, bakit nag-iisa ka lang dito?"

"Hindi po ako nag-iisa kasama ko ang mga bodyguard ko"

"Ok, may I know their name?"

"What?" You don't want to know me? But you want to know the names of my bodyguard?"

Nagulat kami dahil biglang tumawa malakas si bossing.

" Hey Mister will you stop laughing, your annoying"

" I'm sorry for being rude my brave princess, now may I know your name?"

"Lucy, how about you Mister?"

"my name is Andrius and nice to meet you Lucy"

"Nice to meet you too Mister Andrius"

Nakuha pa talagang makipagkamay ng bata kay bossing.

"Now may I know their name?"

"Ok po, itong brown si onion, itong black si pepper, itong white si garlic, at itong gray si ginger" 

"Wow their names is amazing and unique"

"Thanks, Mister Andrius bodyguard mo po sila?"
Sabay turo sa aming lima.

"Yes"

"Kaya pala, siguro magdadagdag pa po ako ng isa pang aso para pareho tayong lima ang bodyguard. Tingnan mo po pareho sila ng kulay"

Dahil sa sinabi ng bata ay napatingin kami sa mga sout namen.

Sinan  -Black
Roy    -Brown
Lester - White
Rex    - Gray
Me     - white and black

Napatawa muli si bossing dahil sa sinabi ng bata.

"Hmmm anong aso ang gusto mong idagdag para maging bodyguard mo?"

"Dalmatian"

*Sinan*
"Ven bastos tong bata to, ikumpara ba naman tayo sa aso"

*Rex*
"Pasmado yata ang bibig nito"

*Lester*
"Sarap pitikin ang bibig nito"

*Roy*
"May dala akong packing tape lagyan ko kaya ng manahimik"

Natawa ako sa mga kasama ko dahil napikon sa isang bata madalas.

"Mga ugok tingnan ninyo si bossing ngayon lang ngumiti at nakipag-usap ng malumanay. Hayaan na ninyo ang bata"

Hindi na sila umimik, nakita namen na magkaholding hands na si bossing sa batang si Lucy habang naglalakad.

Madaldal ang bata sinasabi kung ano ang nasa isip nito.

"Ang dami mong naaalagaan mo ba silang lahat?"

"Opo tinutulungan po ako ni nanay nagpaligo at magpakain sa kanila"

"Ang mahal ng mga aso mo, paano nabili ng nanay mo"

"Hmmm bigay po ng mga uto-utong manliligaw ni nanay, tapos po tinuruan ko na kapag pupunta ang mga yun ay magalit at tahulan ng tahulan, kaya hindi tumatagal sa bahay, nakakatuwa po sila kasi mabilis turuan" natatawang kwento nito kay bossing

HIS Lovely Young Bride (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon