******MAYOR GUSTAVO********
Makalipas ang dalawang linggo ay talagang tinapos ko ang mga dapat matapos para muling makapiling si Veronica. Hindi ko na magawang makipagtalik dahil sa iba, hindi ko matanggal sa isipan ko si Veronica ang bagong obsesyon ko. Madalas ko rin tingnan ang larawan lalo kapag nakakaramdam na libog. Ang babaeng kinababaliwan ko ngayon.
Naging abala lang ako sa mga gawain bilang Mayor ng aking kinasasakupan. Halo halong emosyon ang aking nararamdaman ko lalo na andito na ako sa Manila pero mas lamang ang excitement dahil makakasama ko sa kama si Veronica. Habang nakasakay sa Van napapansin ko ang isang sasakyan na kanina pa nakasunod sa amin.
"Bok tingan mo yan sasakyan na kulay blue sa kanan kanina pa yan nakasunod, maging alerto kayo"
"Copy Mayor"
Nakasanayan ko na kapag nasa byahe o lalabas ng bahay ay sout sout ang bullet proof vest dahil sa maraming kaaway sa negosyo at politika. Ilang beses na rin na may nagtangka sa buhay ko. Saktong naka stop at nasa intersection na kami ng biglang may dalawang motorsiklo na nagkabilaan na may mga angkas na sumingit at naglabas ng mga baril. Dahil naging alerto ang mga kasama ko kaya hindi kami na napuruhan ng husto. Mabuti na rin na heavy tinted ang glass kaya hindi nila makikita na nakalabas na rin ang mga baril ng bodyguard. Ilang minuto din na nagpalitan ng putok ng baril at nagkagulo ang ibang tao na nakasakay sa mga pampasaherong sasakyan.
Daplis ng dalawang tama ng bala sa akin isa sa kanang balikat at ang isa sa hita kaliwang hita. Kung hindi ko sout ang vest tiyak nagkita na kami ni Lucifier.Alam kong kung sino ang nasa likod nitong pang aambush sa akin. Dahil isang tao lang ang nakakaalam na para magkita kami sa Hotel.
Sisiguraduhin ko Veronica na parurusahan kita at tiyak na walang tutulong sayo. Dahil sa maraming tao sa paligid ay mayamaya lamang ay dumating na ang mga pulis.
"Mayor diretso na po tayo sa ospital dahil may tama po kayo ng baril"
"Sige bok"
"Sa tingin ninyo Mayor sino may gawa?"
"Hayaan ninyo tiyak na ako mismo ang magpaparusa sa kaniya"
Habang iniisip si Veronica ay lalong nag iinit ako.
" Well well well my bitch this your last day as a freeman dahil ikukulong kita at walang ibang makikinabang sayo"Habang papunta kami sa ospital ay may naka escort na mobile ng pulisya. Dahil sa nangyari tiyak na ilalabas ang balita. Kaya mas maigi na doble na ang pag-iingat na gagawin.
****VERONICA*****
Dahil nagtext si Gustavo ay sinakyan ko na lang para makaganti sa ginawang pangbababoy sa akin. Dahil sa text nito ay pinatingnan ko ang mga ruta na malapit sa Hotel. Andito ako sa condo at nag-aabang ng news flash tungkol sa sasapitin ni Gustavo.
"Magandang Tanghalin ito si Nancy Gregory para News Flash, Mayor Gustavo nag-aagaw buhay dahil sa mga rider na sumunod at nagpa-ulan ng bala sa sasakyan nito. Tiyak na planado ang ginawang pang aambush sa biktima. Ayon sa isang bodyguard tiyak na may kinalaman ito sa pulitika dahil tatakbo ang biktima bilang Congressman sa darating na eleksyon. Naging mahigpit na rin ang seguridad sa ospital kung saan ito dinala walang mga media ang pwedeng pumasok. Muli ako si Nancy Gregory nag-uulat"
Isang ngiting tagumpay dahil ayon sa balita ay nag aagaw buhay na ito.Hindi mawala sa labi ko ang ngiti dahil sa napakagandang balita. Tiyak ang sunod na gagawin ni Uncle Greg ang alisin ang mga asungot sa bahay at buhay ni Andrius. Agad kong tinawagan si Uncle para ipaalam na wala na si Gustavo sa landas ko.
"Uncle Greg thanks sa ginawa mo"
"It's ok princess one down, wait for another good news, bye"
"Ok Uncle thanks again bye"
"Humanda ka Maribel ito na ang huling maliligayang araw ninyo mag-iina. Titiyakin ko na mawawala kayo na parang bula"
*****ANDRIUS*****
Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas at talagang naging masaya. Unti unting naging maayos ang pagsasama namen. Kahit hindi pa bumabalik ang memorya nito ay alam ko hindi ako nakalimutan ng puso niya.
Hindi na rin ako nababakante sa gabi, siguro talagang todo ang pagbawi namen dahil sa mahabang panahon na nahiwalay sa isa't isa.
Mas lalo kong pinaigting ang pagbabantay sa pamilya ko dahil ayoko na mapahamak ang mag-ina ko.
Araw na araw hindi mawawala sa almusal ko ang dead treat sa akin. Mula sa personal mobile phone, Email at pagpapadala ng kung ano anong kahon para takutin ako. Pero alam ko na ang pamilya ko ang nais nilang targetin.
May schedule ang mag iina ko sa dentista pero hindi nila alam na sa dental procedure ay ilalagay ang gps. Ang magsasagawa nito ay isa rin sa miyembro ng Mafia. Hindi ko hahayaang mapahamak ang aking pamilya.
Paalis na kami ng may natanggap na tawag sa hindi kilalang numero. Dahil nakatingin ang asawa ko ay napilitan akong sagutin, hindi ko ugali na sumagot ng tawag kapag hindi nakaregister sa phonebook ko.
"Tsk who's this, make sure my precious time is not wasted"
******NARRATOR POV*******
Ilang araw ng nag-aabang ang mga tauhan ni Greg sa tahanan ni Andrius. Kinakabisado ang sasakyan na gagamitin ng mag-ina. Tinitingnan din nila kung ilan ang bantay at maging ruta nito.
Sa pagkakataon ito ay nakahanda na ang lahat para sa pagkurot sa mag-ina.
Ang ang swerte nila sa araw na yun dahil umayon ang ruta at nabawasan ang mga bodyguard nito.
Agad na hinarang ang Van kung saan sakay ang mag-iina. Dahil sa pagkabigla ay saglit
lang nailabas ang dalawang bodyguard na agad pinaputukan sa mga tiyan para hindi makakilos, inilapag ang sulat para kay Andrius at nakuha ang sasakyan na kung saan sakay ang mag-ina.Mga iyak at sigaw ang maririnig na nagmumula sa mga mag iina na halatang takot na takot. Nagsisiksikan at nagkumpulan ang mga ito. Mabilis na pinasibat ang sasakyan para makarating sa hideout.
Agad tumawag ang mga ito sa kaniyang Amo para iparating na matagumpay na nakuha ang mga biktima.
**********
Napadaan si Andrius sa kanto na malapit sa kanilang tahanan ay nakita ang komosyon. Inihinto ang sasakyan para malaman ang pangyayari agad na bumababa si Joven.
Pumunta sa umpukan at bumalik na nagmamadaling tumatakbo na may hawak na sobre. Iniabot ang sulat kay Andrius agad naman kinuha ito para basahin.
DELA TORRE,
Sa mga oras na ito nasa kamay ko na ang mag-iina mo, dahil sa ginawa mong pangingialam sa negosyo ko.
Bilang kabayaran gagawin kong mga puta ang mga anak mo at ang asawa mo.
G. S.
Matapos basahin ang sulat at napakuyom ng palad si Andrius.
BINABASA MO ANG
HIS Lovely Young Bride (COMPLETED)
Romance"The moment I saw you something on you has a spell to break my heart of stone and I know you are mine. " Date Started : Oct. 22, 2019 Date Finished: Jan. 18, 2019 Highest Ranking #6 craziness - as of Dec 5