*SOMEONE POV*Dahil sa impormasyon na aking nakuha nagpasya akong tumungo sa lalawigan ni Gov. Santiago. Nag fill ako ng indefinite leave para maumpisahan ang plano ko.
Pero tinawagan ako ni Uncle Greg para ipasama ang ibang mga tauhan niya. Hindi ito pumayag na umalis ako na mag-isa.
Habang nasa byahe ay panay ang tawag nito para kamustahin ako. Kapag tapos na akong kausapin tatawag na naman ito sa isa sa mga tauhan para magbigay ng instructions.
Mahaba ang byahe pasado alas onse ng umaga kami nakarating sa kapitolyo. Pumasok ako sa kapitolyo kasunod ng mga tauhan ni Uncle Greg.
********
*GOV. SANTIAGO*
Magdadalawang buwan na hindi pa rin nakikita si Maribel. Hindi ako nakapapayag na ginawa nila akong isang kakatawanan sa madla. Ilang beses din hinanap sa boung bayan si Maribel pero hindi talaga makita.
Naka-usap ko na rin ang batang David at sinabing hindi ni nakilala ang may gawa dahil nakapiring ito habang binubogbog.
Binalikan namen ang silid ni Maribel may nakitang isang pirasong medyas na panlalaki at butones ng suit.
Binalikan ang cctv footage at nalaman pati ito ay pinakialam para iligaw kami. Halos lahat ng bisit ay pina monitor ko na rin at walang nakuhang impormasyon na mag uugnay kay Maribel.
"Bossing Gov. May magandang babae sa labas ng opisina at nais po kayong maka-usap"
"Anong kailangan niya?"
"Importante po na maka-usap po ninyo siya"
"Anong sadya niya? Ayoko magsayang ng panahon. Tanungin mo para malaman kung kakausapin ko ba o hindi"
Lumabas saglit ang tauhan tanungin kung sino man, wala pang limang minuto ay bumalik na ito.
"Boss tungkol kay Maribel ang sadya niya."
"Sige papasukin mo"
Bumukas ang pinto pumasok si Ramona kasama ang isang babae. Maganda at halatang mayaman. Hindi ko siya kilala pero masasabing kong malaki ang maibibigay niyang tulong para makita si Maribel.
"Gov. magandang araw."
"Magandang araw din, ano sadya mo kay Maribel?"
Ngumiti ito at naupo sa receiving chair sa kanan. May kinuha sa bag isang brown envelope.
"Gov wala si Maribel dito kaya ikaw ang sinadya ko, alam ko kung saan mo siya makikita."
Napatuwid ako sa pagkaka-upo dahil sa kaniyang sinabi.
"Wala akong pakialam kung ano ang gagawin mo sa babaeng malandi, siguraduhin mo na aalisin mo sa landas ko para makasama ko ang mahal ko."
"Sige, nasaan si Maribel?"
Hindi ito sumagot pero ibinigay sa akin ang brown envelope. Kinuha ko ito at binuksan isang marriage certificate na mula sa lalawigan ko. Pero nagulat ako sa mga pangalan na nakalagay.
Maribel Asis married to Andrius Dela Torre ang nakakagalit ay ang petsa ng kasal at kung saan sila kinasal.
"Putaaaaang I*a Dela Torre ginawa mo akong tanga. Magbabayad ka sisiguraduhin ko na luluha ka ng dugo.
Muli ay naalaala ang amimg usapan ng gabi matapos ang naudlot na kasalan.
"Dela Torre mukhang ang ganda ng araw mo, ang aliwalas ng aura mo ngayon"
BINABASA MO ANG
HIS Lovely Young Bride (COMPLETED)
Romance"The moment I saw you something on you has a spell to break my heart of stone and I know you are mine. " Date Started : Oct. 22, 2019 Date Finished: Jan. 18, 2019 Highest Ranking #6 craziness - as of Dec 5