Kabanata 9

16.2K 364 4
                                    


*SANTIAGO*

"Putang i*a ka!!! Magbabayad ka sa ginawa mong pagpapahiya sa akin.Paliparin mo itong  sasakyan dahil kating kati na akong iputok ang baril sa batang David na yun"

Mabilis namen narating ang tahanan ng mga David. Agad akong bumaba kasunod ng mga tauhan ko. Pabalya binuksan ang pinto at nagulat ang mga naroon. Si Milagros ang biyudang ina ni George mukhang nakagayak paalis.

"Gov anong ginagawa ninyo dito? Di ba ngayon ang araw ng kasal ninyo?"

"Putang i*a Milagros ilabas mo ang magaling mong anak!!! Papatayin ko ang gagong yun"

"Gov sandali lang, si George nasa ospital dahil bugbog sarado halos nabali ang boung katawan niya"

"Ano!!?"

"Pupunta ako Gov sana ay kumalma kayo, dahil natitiyak ko kung ano man ang kinagagalit mo ay walang kasalanan ang anak ko."

"Hindi ko maipapangako yan Milagros, kakausapin ko muna ang anak mo"

"Sige Gov. mas maganda na maging mahinahon sa mga oras na ito, ayoko ko na mapahamak ang anak ko dahil sa init ng ulo."

Nagmadali kami bumalik sa sasakyan para sundan si Milagros. Mahigit isang oras bago narating ang pribadong ospital agad kaming nagtungo sa pribadong silid para makita ang kalagayan ni George. Lahat kami ay nabigla sa sitwasyon nito halos hindi makilala ang mukha nito. Parehong bali ang mga kamay at paa halatang matindi ang galit ng gumawa.

Kahit ako ay napapalunok dahil mas malupit ito kaysa sa akin.

"Gov may sulat kaming nakita sa kaniyang bulsa at talagang kayang pumatay ng may gawa nito sa anak ko, kailangan namen ng hustiya Gov dahil hindi makatarungan ang ginawa sa anak ko."

Kinuha ko ang sulat ay talagang kahit sino ay makakaramdam ng kilabot.

"Ayoko ko sa lahat pinapakialaman ang pag aari ko dahil oras na tangkain mong hawakan ito sinisigurado ko na hindi ka sisikatan ng araw"

"Bossing Gov may nagpaabot ng sulat para sa inyo. May babaeng pulubi ang pumasok sa information para ipaabot ang sulat. Sabi ng pulubi ay inabutan siya ng sampung libo  para ihatid lang ito at higit sa lahat tiyak siya na pupunta ka rito sa ospital. Sa narinig ko ay agad kong kinuha para basahin.

"Santiago maraming salamat sa magandang gabi na makapiling si Maribel at muli maraming salamat sa magandang asawa na ibinigay mo sa akin"

"Sino ka mang hayop ka!!! magbabayad ka!!! , ang lakas ng loob na kutyain at kalabanin ako!!!"

"Samuel tumawag si Mr De--"

"Huwag ngayon Ramona dahil iniisip ko kung sino putang i*a ang kumakalaban sa akin.

Hindi ko mapigilan ang pagsigaw dahil sa matinding galit ko sa sitwasyon. Ngayon lang ako pinagmukhang tanga sa boung buhay ko.

" Boss baka si Mr. Dela Torre ang may kagagawan dahil marami itong kasamang mga tauhan na pwede gumawa"

"Manahimik ka Bert, kakatawag lang ni Mr. Dela Torre para ibigay ang isang daang milyon dahil dinala ng business partner niya kanina"

Agad akong napatingin kay Ramona dahil sa narinig, galante talaga ang si Mr. Dela Torre mas maganda na magdidikit dito ng magkalam ng maraming salapi.

"Sige Ramona tawagan mo para makipagkita sa kanya mamaya para makuha ang pera, saka ko na hanapin ang pesteng babaeng yun.

*RAMONA*

Agad kong tinawagan si Sinan ilang ring pa bago ito sumagot. Maririnig ko ang kasiyahan at ingay sa paligid nito.

" Hello beautiful"

HIS Lovely Young Bride (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon