Kabanata 8

16.1K 399 12
                                    


*ANDRIUS*

Natatawa na ako sa pagmumukha ni Santiago halatang hindi mapakali, mahigit kahalating oras na wala pa rin ang bride kaya hindi maiwasan ang bulungan sa paligid.

Nagkakagulo na rin dahil tinatawagan nila kung sino man ang drayber pero hindi daw sumasagot sa tawag.
Tumayo ako at lumapit kay Ramona para magpaalam na aalis muna.

"Ms. Ramona, I need to go may business partner is near at the area makikipagkita muna ako."

"Sure, sa reception ba makakapunta ka?"

"I'll try, iiwan ko muna mga tauhan baka saglit lang ako"

"Ok bye, take care Andrius"

"Ok"

Naglakad ako ng mabilis at hindi ko mapigilan mapangiti.

"Sanin pakibilisan ayoko maghintay ng matagal ang bride ko."

"Ok bossing"

*********

*RAMONA*

Umugong ang bulungan dahil wala pa rin ang bride, kung kailan yung big day saka pa nagkaroon ng aberya. Dumating si Bert ang isa sa mga tauhan si Samuel na tumatakbo papalapit sa coordinator, sinasabing nasiraan lang ang wedding car at malapit na ang bride sa area. Lumapit ako kay Samuel para pakalmahin ito.

"Samuel maupo ka muna, para mabawasan ang tensyon sa katawan mo"

"Ramona nakakabanas humanda sa akin ang drayber na yan, hindi niya inaayos ang sasakyan bago gamitin"

Muli ay naghintay kami sa pagdating ng bride. Ilang minuto lang ay dumating na ang bride kaya nakahinga ng maayos si Samuel. Kaya agad akong bumalik sa akin pwesto.

Nag uumpisa na ang wedding march, matapos maglakad ng wedding entourage ay isinara muna ang pintuan ng simbahan hudyat na ihahanda ang pagpasok ng bride.

Nagbukas ng pinto napasinglap ang lahat dahil sa suot ng bride at maging ang tunog ng kampana ay hindi akma sa para kasal.

Umugong ang mga bulungan sa paligid, nagkislapan ang mga camera at ang press ay nagkagulo dahil parang naging kakatawa ang seremonya dahil sa mga eksena

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Umugong ang mga bulungan sa paligid, nagkislapan ang mga camera at ang press ay nagkagulo dahil parang naging kakatawa ang seremonya dahil sa mga eksena. Naglakad papalapit ang bride sa kalagitnaan ng ng Aisle ay bigla itong huminto ay itinaas na belo.

Doon lalo nagkaroon ng ingay dahil hindi si Maribel ang babae. Isa ito sa naging babae ni Gov.

"Ma miss mo ba ako Gov, kasi ako na miss kita kaya dumaan ako para sabihin na walang bride na darating tiyak na nakalis na ito ng lalawigan"

"Putang I*a hanapin ninyo ngayon si Maribel at dalhin dito sa simbahan."

"Easy ka lang Gov, ano ba yan na highblood ka agad, wala na nga ang bride kaya huwag mo na rin pagurin ang mga tauhan mo sa paghahanap"

HIS Lovely Young Bride (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon