*MARIBEL*
Mula ng dumating ako sa mansion ay hindi na ako lumabas ng kwarto mamaya na lang ako lalabas sa mismo oras ng party. Kaya hinahatiran na lang ako ng pagkain ng mga kasambahay.
Tanghali na rin ako nagising kaya mainit na ang sikat nf araw. Narinig ko din ang pag-uusap ng dalawang kasambahay na kilig na kilig dahil sa bisitang dumating.
Maid 1
"Salve nakita mo ba yung bisita ni Gov?"Maid 2
"Ang pogi at ang macho, Juicy ko lord Dolor parang pakiramdam ko nalaglag ang panty kong so-en"Maid 1
"Sa Villa muna sila mamalagi at nakita mo kahit mga bodyguard dios miyo marimar Salve lahat papable"Maid 2
"Sino ang nagaasikaso sa Villa? Huwag mong sabihin si Enang?"Maid 1
"Si Enang nga ang swerte ng gaga ang daming papable, yung mga bodyguard naman kasi ni Gov para mga takas sa kulungan"Tahimik lang akong nakikinig at naisipan kong lumabas sa balkonahe para pagmasdam ang maganda tanawin hindi na ako nagsuot ng roba dahil tiyak na wala naman sa akin makakakita sa suot ko.
Pinagmasdan ko ang paligid kahit papano nakaramdam ako ng kapayapaan. Ito ang huling araw na malaya pa ako dahil bukas nakakulong na ako sa mga kamay ni Gov. Santiago.
*ANDRIUS*
Sakay ng chopper ay nakalapag kami sa malawak na mansion ni Gov. Santiago. Ang sumalubong sa amin ay ang aking secretary na si Ramona.
May malanding ngiti sa kaniyang mukha ngunit hindi ako mahuhumaling sa babaeng ito."Good morning Mr. Dela Torre, wala si Gov. Santiago para salubungin kayo akala niya ay mamayang hapon pa kayo darating."
Tiningnan ko si Joven para iparating sa kanya na siya na ang makipag-usap kay Ramona.
"May na cancel na meeting si Boss kay kami napaaga ng dating Ms. Romana."
"Ganun ba, assist ko na lang kayo sa Villa kung saan muna kayo tutuloy."
"Thank you Ms. Ramona"
May dumating na isang puting Van kaya agad kaming sumakay, medyo may kalayuan ang Villa sa Mansion mahigit sampung minuto bago marating.
May kalakihan ang Villa sa kanang bahagi tanaw ang mansion ni Santiago. Pumasok na ako at naabutan ko ang dalawang kasambahay yung isa ay bata pa ang isa tiyak akong ito ang mayordoma dahil sa magkaiba sila ng uniporme.
"Good morning po sir" nakangiting bati sa akin kaya tumango ako bilang tugon
"Aling Sally nakahanda na ba ang almusal ng mga bisita?"
"Opo Ms.Ramona nakahanda na po"
Iginiya kami sa dining room ten seater kaya siguradong kasya kaming lahat.
"Mr. Dela Torre do you want coffee, tea or me?"malanding tanong ni Ramona
Sumipol na lang mga tauhan ko pero agad din nawala ang mga ngiti nila ng makita ang salubong kong kilay.
"You know your way out Ramona, so right now leave" idiniin ko ang huling salita na agad nakuha naman niya.
Tumalikod ito at umalis na walang paalam sa amin.
"Sir ano pong gusto ninyong inumin" tanong ng matandang kasambahay
"just Black coffee"
"Ok po sir"
Ilang minuto din bago magsalita ang mga tauhan ko.
Naupo na kami sa dining talaga pinaghandaan kami ni Santiago."Boss sayang yung bebot"
BINABASA MO ANG
HIS Lovely Young Bride (COMPLETED)
Romance"The moment I saw you something on you has a spell to break my heart of stone and I know you are mine. " Date Started : Oct. 22, 2019 Date Finished: Jan. 18, 2019 Highest Ranking #6 craziness - as of Dec 5