Kabanata 5

16.8K 401 6
                                    


*ANDRIUS*

Wala pang alas singko pero narito na lahat ng mga tauhan ko, lahat sila ay nakabalik at nagawa nila ang mga iniutos ko. Agad pinag-usapan ang bawat detalye at kinuha ko na agad ang master key mula kay Sinan at inilagay sa bulsa ng coat ko.

Ala sais medya ng makarating kami sa mansion, may isang table ang nakalaan para sa akin at sa mga tauhan ko. Marami na rin ang mga bisitang dumating. Nakita ko may mga bitbit na regalo ang ilang bisita.

Nakita si Gov. Santiago na halatang tuwang tuwa at talagang abala sa pag aasikaso sa mga mayayamang bisita. Ini-isa isa ang bawat mesa para makausap.

Biglang namatay ang ilaw at tumigil ang tugtog, mayamaya lang ay nagsalita ang emcee para iparating sa madla na darating na ang bride.

"Ladies and Gentlemen good evening, we are here to witness the advance wedding celebration of Mr. and Mrs. Santiago. Para sa hindi nakakaalam pagkatapos ng kasal ay wala na sa wedding reception ang newly wed kasi diretso na agad sila ng Airport patungo sa Europe, doon gaganapin ang kanilang honeymoon."

Masigabong palakpakan ang umugong sa paligid pero ako ay napamura at napakuyom ng aking kamao.

" Ok Ladies and Gentlemen lets all welcome the future Mrs. Samuel Santiago ang reyna ng ating lalawigan
Ms. Maribel Asis."

Muli isang malakas na palakpak ang maririnig sa paligid. Napamura ako ng makita ang suot na gown at hindi ko mapigilan ang sarili pati mga tauhan ko na napatulala sa kanya kaya nakatikim ang mga ito dala ng init ng ulo ko.

"Mga putang i*a ninyo wag kayo titingin kay Maribel baka humiwalay ang mga mata ninyo" gigil at may diin ang bawat salita ko sa kanila

Agad naman silang umayos ng upo at yumuko na lamang. Nakita ko na halos lumuwa ang mga mata ni Gov. Santiago habang nakatitig sa dibdib ni Maribel. Sanay ako nakakakita ng babaeng revealing manamit pero kay Maribel ayoko na nakikitaan siya. Nakita ko rin halos ng mga lalake ay makikita ang pagnanasa at paghanga sa kanilang mga mata. Parang gusto ko na magwala at pagbabarilin ang mga ito.

Nakita ko ang paghawak sa baywang ni Santiago at kahit labag sa loob ni Maribel ay hindi niya magawang tanggalin ang kamay nito. Papalapit ang mga ito sa table namen kaya pa simple kong kinuha ang kopita para matakpan ang bibig at muling nagsalita.

"Ayusin ninyo ang mga mata kung ayaw ninyong mabulag ora mismo" gigil kong sabi sa kanila

Napalunok ang mga ito batid kong mahihirapan sila na hindi mapansin si Maribel. Kahit sinong lalake ay hindi makakatangi sa alindog nito.
Nang nasa table na sila mismo ay tumayo ako.

"Mr. Dela Torre nice to see you again"

"Likewise Gov. Santiago" napilitang ako makipagkamay pero sa totoo lang parang gusto ko nang basagin ang pagmumukha nito.

"I would like you to meet my future wife, Maribel."

Hindi ko mapigilan ang aking sarili ng inilahad ang kaniyang kamay sa akin imbes na makipagkamay ay kinuha ko at hinalikan. Nakita ko halos lahat ng nasa paligid ay nabigla sa kinikilos ko.

"Nice to meet you Maribel"

"Ni-nice to meet you din po"

"Po?" Natawa ako na naiinis dahil sa po

"I'm not that too old Maribel para i po mo ako, just call me Andrius"

"Andrius ang kamay ko"

"Fuck ang sarap pakinggan ang pangalan ko ng sambitin niya at sa simpleng ginawa niya ay may nagwawala sa loob ng pantalon ko.

HIS Lovely Young Bride (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon