*ANDRIUS*
Kakatapos lang pagsabihan ng matandang babae ang mga bata. Kahit mga sutil makikitaan ng pagnasunurin at takot kapag naririnig ang salitang nanay.
Mayamaya lamang ay narinig ang pagbukas ng pinto, nakita ko ang reaksyon ng mga tauhan ko napanganga at nanlaki ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa likuran ko. Parang mga tanga ang mga pagmumukha.
"Ayan ang nanay ninyo" sabi ng matandang babae
Nakita ko na umayos ng upo ang dalawang bata. Parang nagsisikuhan ang mga ito.
Napatingin ako sa babaeng kararating lumapit ito sa dalawang matanda ay nagmano. Nakasuot ng mahabang bestida na hapit sa katawan kaya kitang kita ang magandang kurba, hanggang baywang ang mahabang at maitim na buhok.
"Mang, Pang may mga bisita po pala tayo?"
Ang boses na yun pamilyar at nagdulot sa akin ng magandang pakiramdam. Muli ay naalala ko ang asawa ko ganito ang pakiramdam ko kapag katabi ko siya.
"Angela hindi sila mga bisita, mga bagong biktima kamo ng mga anak mo"
"Ano po mamang?"
Humarap ang babae ganon na lamang ang aking pagkabigla ng makita mukha nito. Napatayo ako sa aking kinauupuan at napatitig sa mukha nito. Ang mukhang pinapangarap kong makitang muli. Its my wife, My Queen she's alive.
Saglit lang siya napatingin sa akin, lumapit ito sa mga bata at masuyong hinalikan ang mga ulo nito.
"Nak, ano naman ang ginawa niyo?"
*Lucy*
"Behave ako nanay yung isa jan bigla na lang pinag titirador si Mr. Andrius at yung mga kasama niyang alalay"Dahil sa, narinig ang mga tauhan ko ay hindi mapigilan sa reaksyon niyo.
*Sanin*
"Alam na this sino ang tatay"
Nag apiran pa ang mga ito kahit may nararamdang sakitDahil sa sinabi muli kong tinitigan ang mga bata. Pareho kami ng hugis at kulay ng mata, ang kurba ng mga labi pati na rin ang ugaling maiinitin ang ulo. Sa edad nito makikitaan ng tapang at lakas ng loob.
*Batang Lalaki*
"Nay akala ko kasi kukunin nila si Lucy, kasi po karga po ng mama na puro buhok ang mukha si Lucy kaya po ginamit ko po yung tirador, inasinta ko po sila, ang galing ko po kasi natamaan ko silang lahat"Tiningnan ni Maribel ang bawat isa sa amin at napabuntong hininga.
"Anak naman pwede ba, tigil tigilan ninyo ang Lucy at Lucifier na yan, humingi ka ng tawad sa bawat isa at magpakilala kayo ng maayos sa bisita"
"Opo nanay" sabay na sagot ng mga bata
Tumayo silang dalawa gitna ay magkahawak kamay,
"Hello po, ako po Adrianna at ito po ang kakambal ko si Andrei.Sorry po hindi na po mauulit"
Halata na napipilitan ang paghingi ng sorry. Nakita ko ang pagnguso ng batang lalake tanda na ayaw ang kaniyang ginagawa.
"Andrei ayusin mo ang nguso mo, gusto mo isabit ko ang kaldero jan para magkasilbi ang panguso nguso mo"
"sorry po nanay hindi na po mauulit"
"Talagang hindi na mauulit akin na yang tirador mo. Dios Mio Andrei ang sakit ng ulo ko sa'yo"
*Andrianna*
"Hay naku nakakainis ka Drei hindi na gumagaling si nanay dahil sayo, paano niya maalala si Tatay kong lagi mong pinapasakit ang ulo ni Nanay."*Andrei*
"Tsk binabantayan ko nga si nanay para kay tatay. Kasi madaming may gusto kay nanay, hmp ewan ko sayo. Kawawa naman si tatay kapag pinansin ni nanay ang mga yun"
BINABASA MO ANG
HIS Lovely Young Bride (COMPLETED)
Romance"The moment I saw you something on you has a spell to break my heart of stone and I know you are mine. " Date Started : Oct. 22, 2019 Date Finished: Jan. 18, 2019 Highest Ranking #6 craziness - as of Dec 5