FINALE

26K 553 97
                                    

***MARIBEL***

Kasalukuyan namen ipinagdiriwang ang aming ika-dalawang put limang anibersaryo ng aming pagsasama.

Kasalukuyan andito kami sa islang binili ni Andruis. Ito ay bahay bakasyunan ng aming pamilya. Tanaw ko ang magandang tanawin, ang bughaw ng langit at malinis na dalampasigan, maririnig ang hampas ng alon at dahil sa summer ngayon ay ramdam ang matinding sikat ng araw.

Talagang mas naging matibay kaming mag-asawa sa kabila ng mga dumaang pagsubok sa amin. Nagretiro na rin si Andrius bilang Mafia Boss at ipinasa kay Andrie mga apat na taon na rin ang lumipas.

Si Adrianna naman ay kasama ang pamilya nito sa America upang ipagpatuloy ang kaniyang karera bilang fashion designer. Habang ang kambal na lalake ay magtatapos na rin ng kolehiyo. May anim na taon na rin akong prinsesa, tama kayo may panibagong prinsesa ang Dela Torre at may hindi inaasahang magandang balita may darating na baby number six.

Tiyak na magugulat ang mga kambal dahil na rin sa layo ng agwat ng magiging kapatid nila. Tiyak magugulat din si Andrius, menopausal baby na itong bunso namen.

Maingat kong inilagay ang pt kit sa box at nilagyan ng ribbon. Ito ang ibibigay kong regalo mamaya sa kaniya.

***ANDRUIS****

Napakabilis lumipas ang mga taon, ang lalaki na ng mga anak namen. Matagal na akong pahinga bilang Mafia boss sa murang edad ay ipinasa ko na ito kay Andrei.

Bilib ako sa panganay ko dahil magaling itong mamuno at magaling din sa larangan ng negosyo. Sa edad na desi-otso ay nagtayo ito ng isang TV network na ngayon ay namamayagpag bilang best TV network lalo na sa larangan ng NEWS.

Bilang Mafia Boss lahat ng mga matagumpay na operasyon laban sa krimen ay unang napapahayag sa Network. Kaya ito ang Best True News at Best Network sa mga nagdaan taon. Hanggang sa nag expand na rin sa entertainment.

Sa murang edad nito ay marami na itong napatunayan, masaya ako dahil napalaki namen na mabuting mamamayan ang aming mga anak.

Bilang lolo naman ay napaka-spoiled ng aking apo na si Angela Joy, nakikitaan ito ng pagiging Dela Torre dahil sa mga hilig sa extreme sports. Kababaeng tao may gustong manood ng UFC, Wrestling, Boxing at Racing.

Binilhan ko nga ito ng electric motorcycle ay sobrang tuwa nito pero ang anak kong si Andrianna ay nagsisimangot dahil delikado daw yun sa bata.

Yung manugang kong Montecristo ay natanggap ko na rin dahil wala ng ajong choice kundi tanggapin ang mokong.

Kay Andrei naghihintay ako ng apo pero mukhang matatagalan pa dahil sa wala itong panahon sa babae, baka maunahan pa ng dalawang kapatid nito. Hindi ko alam bakit nuknukan ng pagkababaero ng dalawa dahil na rin siguro sa mga pinsan nito yung anak ni Joven at Sinan na asawa ng mga pinsan ni Maribel, manang mana sa mga tatay nila na mahilig sa babae. Nakikita ko ang sarili ko panganay ko na focus lang sa trabaho.

Naputol ang pag-iisip ko sa mga bata ng maramdaman ko ang yakap ng asawa ko.
Nakangiti kong pinagmasdam ang asawa ko sa bawat taon na lumipas ay lalo itong gumaganda.

"Happy twenty five wedding anniversary wife"

"Happy anniversary too hubby, may regalo ako sayo sana magustuhan mo"

"Anything wife basta galing sayo tiyak na magugustuhan ko"

May kakaiba sa ngiti ng asawa habang iniaabot sa akin ang isang magandang kahon. Naupo muna kami sa sofa kung saan tanaw ang magandang view ng dagat. Dahan-dahan kong binuksan ay nakita ko ang isang parang puting stick na may dalawang red lines sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ito.

HIS Lovely Young Bride (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon