***ANDRIUS***
Mabilis na lumipas ang dalawang buwan naging mas maselan na rin si Marie dahil sa pagbubuntis. Ngayon ko rin naisip kung gaano ito nahirapan ng ipagbuntis dati ang kambal. May mga oras na magigising ito ay magsusuka at laging nanghihina sa sobrang hilo.
Habang ang mga bata ayaw iwanan ang nanay nila dahil sobrang excited ang mga ito sa magiging kapatid nila. Madalas din magtalo ang dalawa kung babae o lalake ang babies ang nasa tummy ng nanay nila. Ngayon ko lang naramdaman ang sobrang kapayapaan dahil kapiling ko ang mag-iina ko.
Bago ako magtungo sa isla ay naka-schedule ang check up ni Maribel at ipinayo ng doktor na mas maiging iwasan itong mapagod at doble ingat sa pagbubuntis.
Kahit ayoko kong umalis kaya lang wala akong magawa, dapat limang araw kaming mananatili sa isla
dahil hindi kasama ang mag-iina ay pagkatapos ng party ay babalik na din agad sa Kamaynilaan.****MARIE****
Dalawang buwan na ang lumipas ng huling makita si Maribel at ang asawa nito. Ayon sa head ng resort bihira lang pumunta sa resort ang may ari.
Pinatawag kami para magsagawa ng emergency meeting pero naagaw ang ang pansin sa dalawang malalaking potrait.
Ipinalagay kanina ang mga ito malapit sa admin office dahil darating ngayon linggo ang boung pamilya ng Dela Torre.
Ang portrait kung saan empleyado lamang ang makakakita upang makilala kung sino ang mga may-ari ng Resort. Sa gitnang bahagi nakalagay yung potrait ng kambal.Mas lalo ako nakaramdam ng matinding inggit dahil sa kalagayan ngayon ni Maribel. Ang dating utusan ko ay buhay Reyna na.
Kailangan na maging pulido ang trabaho lalo at darating ang mga SVIP. Matatapos na rin ang maliligayang araw mo Maribel. Titiyakin ko na may alas akong hawak para masira ang pagsasama ninyo.
Kasalukuyang abala ang mga tauhan sa resort ito ang araw na darating ang pamilya Dela Torre. Bukod sa mga darating na stockholders. Paroon at parito ang mga tauhan upang masiguro na maayos ang serbisyo nila.
BINABASA MO ANG
HIS Lovely Young Bride (COMPLETED)
Romance"The moment I saw you something on you has a spell to break my heart of stone and I know you are mine. " Date Started : Oct. 22, 2019 Date Finished: Jan. 18, 2019 Highest Ranking #6 craziness - as of Dec 5