Kabanata 22

16K 344 15
                                    

*****ANDRIUS******

Pagkalapag ng chopper sa mismo loob ng bakuran ng mansion makikkita na nakapila na ang mga kasambahay.

Ako ang unang bumaba ng chopper, inalalayan kong makababa ang asawa ko at ang huli sabay kong binuhat ang kambal. Halos lahat at napasinghap sa gulat ng makita nila si Maribel.

"Maligayang pagbabalik boss"

Lahat sila ay nagyuyukuan kapag nadadaanan. Bumungad sa amin ang malawak na living room kung saan makikita ang malaking wedding portrait namen.

Natatawa ako sa kambal ng makita ang portrait namen,  palipat lipat ang tingin nila sa portrait, sa nanay at sa akin.

Si Maribel naman ay nagulat, lumapit ito sa wedding potrait at tinitigan ng husto. Lumapit ako sa kanya habang karga ang kambal.

"Its our wedding potrait wife"

"Wi-wife mo ako?"

"Yes and I am your husband"

"Hus-husband?"

"Yes and I am the father of your twins"

"Paano nangyari na ikaw ang tatay ng mga anak ko?"

Natawa ako at napangiti ng pilyo sa kaniya bago sinagot ang katanungan.

"Wife mahirap ipaliwanag, pero pwede kong idemo kapag tayong dalawa lang"

Sinamaan ako nito ng tingin at tumingin sa mga bata na tahimik na nakikinig.

Ibinababa ko muna ang baba, agad na lumapit sina lester at Rex para dalhin ang kambal sa entertainment room.

Hinawakan ko siya at nagtungo kami sa library. Ilang minuto din na pareho kaming tahimik.
Ako ang unang nagbukas ng usapan.

"Mahigit anim na taon, akala ko ikaw ang babaeng natagpuan na wala ng buhay, ang pagkakakilanlan ng bangkay ay sout nito ang mga alahas na ako mismo ang nagdesinyo at higit sa lahat ay ang wedding ring. Hindi makilala ang bangkay dahil lumubo ito ay dahil nababad ng husto ng ilang araw."

"Paano mo nasisiguro na ako ang asawa mo?"

"May nunal at balat ka, yun ang paborito kong parte ng katawan mo"

Nakita ko na agad na namula ang mukha nito.

"Wala kaya"

"Ows sigurado ka, silipin naten ng sabay ng magkaalaman"

Lumapit ako at ng akmang itataas ang palda nito ay agad itong sumigaw pero walang ingay ang lumabas dahil agad kong sinelyuhan ng halik ang labi nito.

Ilang minuto kami naghalikan bago ko tinapos. Na miss ko ng husto na halikan siya sa ganitong pagkakataon.

"May nunal sa kanang singit mo, nunal sa baba ng kaliwang dibdib mo at balat sa kulay pula na malapit sa pagkababae mo"

Nakatitig ito sa akin habang sinasabi ang mga salitang yun.

"Alam ko na nawala ang alaala mo gawa ng trauma na dinanas mo, pero hindi ko hahayaan na saktan ka ninuman dahil ikaw ang asawa ko, ang reyna ng buhay ko, ang tanging ina ng mga anak ko at nag-iisang Maribel Asis Dela Torre. Mahal na mahal kita sobra akong nagugulila sayo My Wife, My Queen. You're always my Lovely young Bride"

Muli ay masuyo ko siyang hinalikan ng boung pag-iingat. Pinadama ko ang pagmamahal ko sa kaniya mahigpit ko siyang niyakap.

******MARIBEL********

Tahimik kong pinagmamasdan ang kambal na mahimbing na natutulog napagod sa sobrang paglalaro. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na asawa ko si Andrius. Kaya pala ganon na lang makatingin sa akin ng una kaming magkita sa isla. Pansin ko din ang mga tauhan na mas madalas akong tawagin Ma'am o Maribel kaysa sa Angela.

HIS Lovely Young Bride (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon