Kabanata 1

24 3 0
                                    

Simula

(Kabanata 1)

"Accepting and being contented for whatever you have right now is the best way to achieve happiness and make your life less complicated."

°°°

Makalipas ang labimpitong taon,

Treena

"NAY!" palahaw ko, matapos makita ang inay na abalang nagluluto sa aming kusina. Bahagyang umangat ang magkabila niyang balikat, senyales ng pagkagulat. Hindi pa man siya tuluyang humaharap sa'kin ay dali dali akong naglakad papalapit sa kanya at mahigpit siyang ginawaran ng yakap mula sa likuran.

"Ay susmaryosep!"

Nakita ko ang ginawa niyang pagbitiw sa hawak na sandok na ginagamit sa pagluluto at dahan-dahang umikot papaharap sa akin. Inalis ko na rin ang pagkakayakap sa kanya lalo na nung makita ko ang bahagyang pagkunot ng kanyang noo.

"Jusko namang bata ka! Aatakihin ako sa puso sa sobrang pagkagulat nang dahil d'yan sa pagsigaw mo!"

Huminga siya ng malalim pagkatapos magsalita habang ang isang kamay ay nanatiling nakatapat sa may puso niya.

"Nay naman, hindi ka pa nasanay. Eh lagi ko naman itong ginagawa sayo t'wing umaga ah." Bahagyang nakasimangot na pangangatwiran ko.

"Kahit na! Ikaw na bata ka. 'Wag mo ng uulitin 'yun ha. Pakiramdam ko kasi, laging mayroong sunog sa kapit-bahay natin sa t'wing sumisigaw ka." Nakapamaywang pang panenermon niya.

"Nay, wala tayong kapit-bahay.. mga puno lahat ang nasa paligid natin." Napapakamot sa ulong pagpapaalala ko sa kanya.

"Ay ewan ko sa 'yo, Treena... puro ka palta rason." Nanatili pa ring nakapamaywang na aniya.

Marahan niya akong itinalikod at marahang itinulak tulak patungo sa harap ng lamesa.

"Ang mabuti pa, maghanda ka na d'yan sa mesa ng makapag-almusal na tayo."

... Palengke ...

"ALE, magkano po ang kalahating kilo nitong isda?"

Itinuro ko iyong sariwang sariwa pang isda matapos tanungin ang aleng tindera na nasa harapan ko ngayon.

"Ay Ineng, mura lang 'yan.  Otsenta lang ang kilo niyan."

Nginitian ko ang matandang ale bago sinimulang kumuha ng pera sa loob ng pitaka kong gawa lamang sa abacca.

"Kalahating kilo nga po ale."

"Ay sige Ineng."

Habang kinikilo nung ale ang bibilihin kong isda, ay inabala ko muna ang aking sarili sa pagmasid masid sa kapaligiran.

TREENA (A Girl From Forest) ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon