(Kabanata 23)"Love.. is when you find someone better, yet.. you stay with the same person you promised to spend forever."
°°°
Treena Laudine
"Chesny."
Pare-pareho kaming napalingon sa taong nagsalita at sa apat na taong bagong dating.
Sila ang apat na magkakaibigan na sina Ziegfritz, Clifford, Mackjae at Edmunn, at the same time ay mga kaklase namin.
Nagliwanag bigla ang itsura ni Chesny. May gumuhit din na matamis na ngiti sa kanyang labi.
"Zieg." Malambing niyang pagtawag sa pangalan ng dating nobyo. Saka lumapit dito at lumingkis sa isang braso.
Ihinilig din ni Chesny ang kanyang ulo sa balikat ni Zieg. Napaka'perfect nilang tignan. Bukod sa pareho silang galing sa mayaman na pamilya, ay wala ring maipipintas sa kanilang itsura.
Hindi ko maintindihan, ngunit biglang kumirot ang dibdib ko sa tanawing nasasaksihan.
Masyadong malalim na ba ang paghangang nararamdaman ko para kay Zieg?
"What are you doing?" Cold na tanong ni Zieg kay Chesny. "Will you please keep your distance from me? Coz, you make me feel uncomfortable." Blangko ang mukhang pakiusap ni Zieg, saka pilit niyang itinatanggal ang mga kamay ng hindi nagpapatinag na ex-girlfriend.
"But why? I just miss you. That's why I acted like this." Malambing ang boses ni Chesny. Tila girlfriend pa rin kung umasta sa harap naming lahat.
"You don't have a right to act like this anymore, because as far as we both know, ay matagal na tayong wala." Nagpapaintinding wika ni Zieg, sa malumanay lang na tinig.
Biglang napalitan ng kakaibang emosyon ang mukha ni Chesny, mababasa na roon ang pagkadismaya. Dahan dahan niyang inalis ang pagkakalingkis ng kanyang kamay sa braso ni Ziegfritz.
"Bakit ba napakataas ng ego mo, when it comes to me.. Ziegfritz? Why don't you try to give me a chance and start to build our relationship again? Hindi mo man lang ba pinanghihinayangan ang naging relasyon nating dalawa? Our bonding.. the sweet and epic moments when we're together. Ganun lang ba talaga kadali sayo na itapon ang lahat ng yun, because of that simple mistake that I made?" Ramdam na ramdam ang sakit at hinanakit sa mga salitang binitawan ni Chesny. Nagsimula na ring maging garalgal ang kanyang tinig.
"It's not just a simple mistake, you know that Chesny.. you cheated on me and because of that mistake, my heart tear into pieces, why we became a stranger again, and why everything changes between us." napakalungkot at napakabigat sa dibdib na binigkas ni Zieg.
Bakit ba ganyan sila kung mag-usap?
Para tuloy kaming nanonood ng Kdrama, kaybibigat ng binibitawan nilang mga linya.
Kaming mga nasa paligid, na nakikimarites sa kanila. Ay naguguluhan na sa nakikita at naririnig mula sa kanilang dalawa, napakalalim pareho ng pinanghuhugotan.So, totoo pala talaga ang sinabi ni Dahlia noon sakin na hindi lang yung about sa issue ng parents nila ang rason kung bakit sila naghiwalay na dalawa, may lokohan pa lang nangyari. At kagagawan iyon ni Chesny.
Niloko na rin ako ng lalaking minsan ko ng minahal, alam ko kung ano ang pakiramdam dahil dumaan ako sa ganoong proseso and sobrang hirap. Hindi talaga mawawala na tatanungin mo ang iyong sarili kung saan ka nagkulang, at kung ano ang nagawa mong pagkakamali para mapunta sa iba ang atensyon niya.

BINABASA MO ANG
TREENA (A Girl From Forest) ON GOING
Teen Fiction"I'm afraid to fall in love again, not because I lose my capability to love, but because.. I always end up of getting hurt."-Ziegfritz Taller, isang lalaki na bitter pagdating sa pag-ibig. Ngunit paano kung ang takot na kanyang nararamdaman na muli...