(Kabanata 3)
"Memories are the best gift to a person, you may not see each other everyday.. but the memories you shared will remembered forever."
°°°
Treena
"TREENA, you still awake.. I guess, something's bothering you?"
Dinig kong boses ni Dahlia. Ni hindi ko man lang naramdaman ang kanyang presensiya nung tumabi siya sa'kin, ganun na nga lang talaga siguro ang pagkalunod ko sa lalim ng aking iniisip.
Nilingon ko siya saglit at muling tumingala sa kalangitan. Wala ni isa mang bituin sa langit, mukhang uulan pa.
Huminga ako ng malalim bago ibinuka ang aking bibig. "Ewan ko ba Dahlia, pero hindi pa man ako nakakatapak sa lupa ng school na aking papasukan. Ay grabe na ang kabang nararamdaman ko." dagliang pag-amin ko sa totoong nararamdaman ko sa mga oras na toh. Napadapo pa sa may tapat ng aking puso ang isang kamay, at pinakiramdaman muli ang lakas at bilis na pagtibok niyon.
Nagpakawala siya ng maikling tawa at mahinang ibinundol ang kaliwang balikat ko tsaka ginaya ang posisyon ko ngayon, na nakapatong ang magkabilang siko sa railings na nagsisilbing harang ng balkonahe sa kanilang ikalawang palapag ng bahay.
Dumako ang paningin ko sa kanya, habang siya ay nakatingala na ngayon sa kalangitan, "You just have to be yourself, hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo, para lang magustuhan ka ng ibang tao." tumingin siya sa'kin, at binigyan ako ng ngiting nagsasabing sundin ko lamang ang mga sinasabi niya. Ang magpakatotoo lang sa aking sarili. Pero naalala ko ang naging pag-uusap namin kanina, 'yung tungkol sa kasuotan ko. Na 'wag ko na raw suotin 'yung mga damit na dala ko.
Ah! Sa bagay! May matindi siyang rason kung bakit ayaw niya na sa'king ipasuot ang mga dala kong damit na iyon, dahil ayaw niya akong ma'bully ng mga kapwa estudyante. At kahit rin ako, ay ayaw ko ng maranasan pang muli iyon, ang ma'bully.
Siguro ang ibig niyang sabihin sa magpakatotoo lang ako sa aking sarili, ay kung anuman ang ugaling meron ako, ay huwag ko iyong babaguhin para lang makipagsabayan sa kanila.. alam ko naman na mabuti akong tao, at hangga't wala akong tinatapakang iba, ay gagawin ko lamang ang mga bagay na gusto ko at iyong nakapagbibigay sa akin ng kasiyahan.
"Eh kasi.. natatakot akong baka mabully.." ako habang napapabuntong hininga.
"Tsh! Hangga't nasa tabi mo ako, walang sinuman ang pwedeng manakit sa'yo!" siguradong sagot niya sa akin.
Nginitian ko siya na punong puno ng tiwala.
"Fighting!" nakangiti niyang sinigaw iyon, habang sinabayan ng paggalaw ng isang kamay.
Ginaya ko rin ang salitang binigkas niya at ang naging paggalaw ng isa niyang kamay.
Sabay pa kaming natawa na dalawa.
"Oh ano? Matulog na tayo, maaga pa tayo bukas." maya mayang pagyaya niya sa akin.
"Oy teka! May itatanong sana ako sa'yo." pagpigil ko sa akma niyang gagawin na pagtalikod.
![](https://img.wattpad.com/cover/204453923-288-k998202.jpg)
BINABASA MO ANG
TREENA (A Girl From Forest) ON GOING
Teen Fiction"I'm afraid to fall in love again, not because I lose my capability to love, but because.. I always end up of getting hurt."-Ziegfritz Taller, isang lalaki na bitter pagdating sa pag-ibig. Ngunit paano kung ang takot na kanyang nararamdaman na muli...