(Kabanata 19)"Don't be afraid to express what you really feel, because there's nothing wrong about being real."
°°°
Treena Laudine
DAHAN-DAHAN na tumayo si Chesny, habang ang mga mata ay mas lalo pang tumalim ang pagkakatitig sa akin.. kung nakakamatay lang ang pagtitig ng masama.. malamang! kanina pa iyon nangyari sa akin.
Muli niyang inihakbang ang kanyang mga paa, pero hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa akin.. ay siya ring biglang pagsulpot ni Jansen Sandy sa kanyang harapan.
Natigilan si Chesny, at napakislot sa ginawang paghawak sa kanyang magkabilang pisngi ni Jansen Sandy.
Punong-puno ng pag-aalala ang mga matang pinakatitigan niya ang natutulalang si Chesny. Sinipat ng binata ang kabuuan ng dalaga, at pinagtakahan ng lubusan ang itsura nito, sapagkat may magulong buhok at hindi kaaya-ayang mukha.
Nang matauhan si Chesny, ay marahas niyang tinanggal ang mga kamay ng binata sa kanyang namumulang mukha, at bahagyang inilayo ang kanyang sarili dahil sa biglang naramdamang pagkailang.
"And what do you think you're doing?" Hindi nagustuhang tanong ni Chesny sa nag-aalala pa rin habang naguguluhang binata.
"Ako nga dapat ang magtanong niyan sa'yo, anong.. ginagawa niyo?" Sumulyap siya sa akin. "At, saka.. bakit ganyan ang mga itsura niyo?" Nalilitong tanong pa nito.
Tumindig ng tuwid si Chesny, at inayos ang kanyang nagulong buhok..
Tinuro niya ako.. "Yang babae na 'yan! Bigla niya na lamang akong sinabunotan." Paggawa niya ng kwento.
Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko, dahil sa kasinungalingang isiniwalat ni Chesny.
Dumapo ang paningin sa akin ni Jansen Sandy, at sumama ang kanyang mukha. Kumuyom din ang parehong kamao nito, at nagtangis ang kanyang bagang.
"Anong karapatan mong saktan, ang babaeng mahal ko?" Pagkaharap niya sa akin, ay 'yan ang mga salitang kanyang binitawan sa napakaseryosong paraan.
Ang kaninang nag-aalala niyang mga mata ay biglang nabahiran ng matinding galit.
Habang inihahakbang niya ang kanyang mga paa papunta sa akin, ay iniaatras ko rin ang aking mga paa.
Ang aking puso, ay ganun na lamang kalakas ang pagdagundong.. animo'y nakikipagkarera sa bilis ng pagtibok at lakas ng pagkabog.. naghalo-halo ang takot, kaba at pangamba.
Wala na akong ibang mapagpipilian, kung 'di ang kumaripas na lamang ng takbo at tuluyang lisanin ang lugar na ito.
Ngunit, hindi pa man ako tuluyang nakakahakbang, ay ganun na lamang ang aking pagkagulat ng may kamay na humablot sa aking braso.. dahilan para matigilan ako.
Hindi pa man ako tuluyang nakakabawi mula sa pagkagulat.. ay marahas akong itinulak ng taong kasalukuyang nakahawak sa isang braso ko, kaya napasubsob ang buo kong katawan sa sahig.
BINABASA MO ANG
TREENA (A Girl From Forest) ON GOING
Teen Fiction"I'm afraid to fall in love again, not because I lose my capability to love, but because.. I always end up of getting hurt."-Ziegfritz Taller, isang lalaki na bitter pagdating sa pag-ibig. Ngunit paano kung ang takot na kanyang nararamdaman na muli...