Kabanata 13

9 0 0
                                    


(Kabanata 13)

"One of the hardest parts of life, is deciding whether to walk away or try harder."

°°°

Treena Laudine

"I already told you my reason, kaya gusto kitang pagpanggapin as my gf. Pero kung ayaw mo talaga. Well, it's okay with me, I will respect your decision madame." Labas sa ilong na saad niya, na maarte at may diin pang binanggit ang salitang madame.

Napairap na lang ako sa kawalan dahil sa pagiging sarkastiko niya.

"You know why, kaya ayokong pumayag dyan sa gusto mong mangyari?" Muling pagkausap ko sa kanya na ang tinutukoy ay iyong gusto niyang mangyari na magpanggap ako bilang isang nobya niya.

Wala siyang naging tugon kaya mas pinili kong muling ibuka ang aking bibig.

"It's because, I want a normal life. Alam mo ba na kahapon, ay pinagbantaan ako ni Chesny, sabi pa niya.. she will make my life miserable daw. Ano? Maaatim mo ba? Na.. nang dahil sayo, dahil dyan sa kagustuhan mong mangyari, ay ako ang mapapahamak at ako ang mapapa-away. Gusto ko ng tahimik na buhay, at mangyayari lamang 'yun kapag hindi mo ipinagpilitan 'yang gusto mo! O sige.." Napabaling muna sa ibang direksyon ang aking paningin bago muling ipinagpatuloy ang pagsasalita.

"Okay sige, gan'to na lang..para wala na akong maging utang sa'yo, ay paunti unti ko na lang na babayaran iyong damit mong..natapunan ko. Ano, okay lang ba 'yun sa'yo.. ha?" Itinaas taas ko pa ang aking isang kilay, nangungumbinsi.

Para naman akong nakikipag negosasyon nito eh. Hehe! Teka?

Napaisip ako bigla, kung tama kaya itong pinapasok ko? Baka wala na akong maging ipon nito kapag nagsimula na akong magbayad sa kanya ng utang.

Magkano ba iyong price nung damit niyang, nadumihan ko?

Hindi naman pala ako nagtanong, basta na lang ako nakikipag'deal! Pano kung hindi ko mabayaran ng buo? Naku! Baka kung ipakulong niya pa ako. Lord! Wag naman po sana.

"Ahm, no need." Siya, na iwinagayway pa sa aking harapan ang dalawang kamay.

"Ha?" Naguguluhang tanong ko.

"I said, no need for you to pay that debt." Kaswal lang ang boses na aniya.

"Talaga? Hindi mo na ako pagbabayarin?" Tuwang tuwa pang tanong ko habang nanlalaki ang parehong mata.

Tumango naman siya at binigyan ako ng tipid na ngiti na nagsasabing , oo! At totoo iyong sinabi niya.

Dahil sa magkahalong tuwa at pagkagulat.. ay hindi ko namalayang napayakap ako sa kanya.

Naramdaman ko pa ang paninigas ng kanyang buong katawan. Dahil siguro sa pagkagulat, kaya ganito ang naging reaksyon niya.

*Craskk!!*

TREENA (A Girl From Forest) ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon