Kabanata 17

11 0 0
                                    


(Kabanata 17)

"Even you push them away. People who truly loves you, will always choose to stay."

°°°

Treena Laudine

(Acquaintance Ball)

"WHOOOOHHHH!!!"

*Clap! Clap!*

Tuwang tuwa ang lahat matapos ang nasaksihang entertainment number ng grupo ng mga baklang naghatid ng matinding kasiyahan sa mga taong nandirito sa apat na sulok ng multi-purpose hall, sa pamamagitan ng aktibo ngunit malambot na pagsasayaw na iginaya ang korean girl dance move.. maging ang music ay korean din.

Mga nakashort shorts sila ng maong, at mga naka'long sleeve na polong kulay puti, nakabukas pa ang ilang mga butones nun at napaka'kakapal din ng kanilang mga make up. Grabe! Talagang entertain na entertain ang mga tao..

StarGazer daw ang pangalan ng grupong ito, maliban sa banda nila Zieg.. ay ito pa ang grupo ng mga estudyanteng madalas kung mag'intermission tuwing may okasyon dito sa school.

Oo nga pala, may sariling banda ang grupo nila Zieg na magpeperform din ngayon.. pero mamaya pa.

Moon Chaser, yan ang pangalan ng kanilang grupo. Ang aming baklang SSG President ang siyang pinaka'leader ng grupong StarGazer..

Actually, kapag school days or even in other normal days, ay kagalang galang siyang tingnan. Kung hindi pa nga ito kumilos sa malambot na paraan, kung hindi pa magbeki language at kung hindi pa magmake-up o kaya ay magsuot ng pangbabae, ay hindi mo mahahalata na isa pala itong bakla.

Dahil, astig kung pumorma at lalaking lalaki kung kumilos.. talented din at matalino. Hindi lang mga senior students ang member ng grupong StarGazer, meron ding mga junior students.

"Oy, wait lang guys. CR muna ako." Pagpapaalam ko kina Dahlia na siyang pinakamalapit sa akin. By the way, ang mga magkakaklase ay magkakasama sa iisang table lamang. Kaya naman, kasama ko sa iisang table ang aking mga kaklase and at the same time mga ka'block..

Emcee na ang nagsasalita sa stage nung makapasok ako ng CR, na medyo may kalayuan sa hall.. na pinangyayarihan nung event.

Hindi lang ang mga kasuotan ng bawat estudyante at guro ang naggagandahan, maging ang decoration din ng venue ay sobrang colorful and bongga. Mala'fairytale ang tema.

Ang baklang principal namin ang buong nag-asikaso ng pagdidisenyo sa naturang stage at venue. Ocean blue ang kulay ng aking fitted gown, na sumasayad sa lupa.. sleeveless at napakasimple lamang ng disenyo.

Pinahiram lang ito sa akin ni Dahlia.. na lubos kong ipinagpapasalamat dahil hindi ko na kailangang gumastos pa, para lamang makabili ng susuotin. Bumili siya ng bagong gown, kahit na napakarami niyang mga luma na pwede namang magamit pa, bibilihan niya rin sana ako.. ngunit agad akong tumanggi dahil nakakahiya na nang sobra..

Napakarami niya ng naitutulong sa akin, nilang mag-ama. At sobra sobra pa sa salitang salamat ang dapat nilang matanggap, dahil sa hindi mapantayang pinapakitang angking kabutihan.

TREENA (A Girl From Forest) ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon