(Kabanata 15)"The most beautiful music in the world, is your own heartbeat.. because God, compose it."
°°°
Treena Laudine
"OY, Treena!"
Awtomatiko akong napalingon sa aking likuran matapos marinig na may tumawag ng aking pangalan.Humarap ako agad sa taong yun.
It's Gyrocye.
Tuluyan na siyang nakalapit sa akin, habang may matamis na ngiting nakapaskil sa labi.
"Grabe, ang bilis mo namang maglakad. Napagod ako dun ah. Haha!" Pawisan ang kanyang noo, ngunit ang kanyang itsura ay hindi mo kakikitaan ng pagod.
Para niya nga lang akong niloloko, dahil taliwas ang kanyang mga sinabi sa totoo niyang itsura. Cool na cool pa rin kasi ang aura niya. Alam niyo 'yun? Yung parang laging nagpapacute sa mga babae.
Chickboy daw toh, sabi ni Tazlin. Kaya wag na wag daw akong magpapadala sa mga banat nito, kung ayaw ko raw na mapasali sa mga pinaiyak nitong babae.
Tipid ko lang siyang nginitian tsaka muling tinalikuran.. wala akong balak na magpaloko sa kanya at magpadala sa matatamis niyang salita.
Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako ay muli akong napahinto, dahil sa bigla niyang pagsulpot sa aking harapan. Muntik pa nga kaming magkauntogan, pero buti na lang at naging maagap ako. Kaya walang nangyaring ganun.
Tsk! Ano ba ang problema ng isang toh?
Doon ko na siya pinagkunotan ng noo dahil sa matinding pagkalito. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" Hindi na nakapagtiis na tanong ko.
"Ha?" Nabingi pa 'ata. Tsk!
"Bakit ka ba humaharang sa dadaanan ko? Hindi mo ba alam, na nagmamadali ako?" Masungit kong wika sa kanya, tila nagpapaintindi na hindi ako interesado sa kanya.
May bumalatay na pagkagulat sa kanyang mukha. Hindi makapaniwala na makakarinig ng ganung kaprangkang salita mula sa akin.
"Ah, bakit? Saan ka ba pupunta? Samahan na kita." Hindi nagpatinag, bagkus ay nakangiting alok niya pa.
Blangko ko lang siyang tiningnan. Kung ako lang ang tatanungin, ay talaga namang may maipagmamalaki itong si Gyrocye pagdating sa itsura.
Kaya hindi ko masisisi ang mga babaeng nagkakandarapa at naghahabol sa kanya. Talaga naman kasing, kahit na sinong babae ay malalaglag ang panga kapag tumitig siya sa iyong mga mata lalo pa't kapag ngumiti sa'yo ng matamis.
Ang sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha, ang mas lalong nagpapatingkad ng kulay brown niyang mga mata. Nakapusod din ang kalahating bahagi ng kanyang medyo may kahabaang buhok, na mas lalo pang nakakapagpadagdag sa kanyang pagiging playboy look.
"Ah, wait! Natatandaan mo pa ba ako?" Maya-mayang tanong niya sa akin na itinuro pa ang kanyang sarili.
"Gyrocye." Walang ganang pagbanggit ko ng pangalan niya.
BINABASA MO ANG
TREENA (A Girl From Forest) ON GOING
Novela Juvenil"I'm afraid to fall in love again, not because I lose my capability to love, but because.. I always end up of getting hurt."-Ziegfritz Taller, isang lalaki na bitter pagdating sa pag-ibig. Ngunit paano kung ang takot na kanyang nararamdaman na muli...