(Kabanata 29)"Not all you want is always what you get, but remember.. there are things that you get, without wishing to come. But deserve to be yours."
°°°
Alaine Chesny
Lakad takbo ang ginagawa ko ngayon para marating ang kwarto ni mommy. I'm feeling extremely angry right now, like my chest is about to explode, dahil sa mga katotohanang nalaman ko.
Ni hindi ko na nagawang kumatok, basta na lang ako pumasok sa kanilang kwarto.
And then I saw her, elegantly brushing her hair in front of the vanity dresser.
I know that she immediately felt my presence, kung kaya naman ay nilingon niya ako agad.
Matamis siyang ngumiti sa akin. "Hey baby.. what is it, huh?" Malambing niyang tanong saka dahan dahang naglakad papalapit sa akin.
At nung tuluyan na siyang nakalapit sa akin, ay nag-aalala niyang sinipat ang buong mukha ko.
"What happened to you? Why do you look like that?" She kept on examining my face, because right now.. I have messy hair, a pale face and puffy eyes.
Wala akong naging tugon bagkus ay blangko ko lang siyang tinignan. Marahas kong binato sa sahig ang gusot gusot ng larawan. Picture na kung saan, makikita ako nung baby pa lang, karga ako ni mommy at nasa tabi niya ang biological father ko.
Nanginginig ang labi ko, my hands are shaking and my knees are trembling. My emotions are mixed right now.
Dahan dahang dinampot ni mommy ang litratong gusot na at nasa ibaba.
Gulat at nagtataka niya akong tiningnan, at nagpalipat lipat ang kanyang tingin sa akin tsaka sa larawang hawak niya.
"Where did you get this photo?" She asked me hysterically, habang nakaangat ang isang kamay na may hawak nung picture.
"Hindi yan ang importante sa ngayon, mom.. because what I want to know right now is the reason why you left him. And why you didn't even introduce me to my real father." Lumuluhang pahayag ko. Ang sakit sakit sa dibdib, at alam kong hindi toh maiibsan hangga't hindi ko nalalaman ang buong katotohanan.
Tumalikod siya sa'kin, at napasabunot siya sa kanyang buhok. At nung muling ilipat sa akin ang kanyang paningin ay may namumuo ng luha sa kanyang mata.
"I only did that for you, because I wanted to protect you. And he doesn't deserve to be called a father." Umiiyak at matigas niyang sambit.
"Mom please.." nagmamakaawang usal ko. "All I want right now, is to know the truth. Kung ano ba talaga ang nangyari sa pagitan niyong dalawa. Kung bakit kayo naghiwalay. And why don't you want me, to know about him, were in the first place, it's my right.. because he's my real father, ni hindi ko man lang alam ang totoo niyang pangalan, mom.. ni wala akong ideya kung anong itsura niya. Wala.. wala akong alam.. wala akong kaalam alam, tungkol sa kanya. Dahil kung tutuosin, ay dapat simula pa lang nung nagkaisip ako ay pinakilala mo na siya sakin." Paglabas ko ng aking hinanakit na may halong paghikbi.
Patuloy pa rin sa pagpatak ang kanyang luha saka umiling iling.
"Anak, please.." nagmamakaawa ring aniya. Kinuha niya ang isang kamay ko, ngunit marahas ko iyong binawi.
"Chesny.. you don't understand."
"Then make me understand it!" Pasigaw na usal ko. I feel so desperate right now, because I really wanted to know her reason for why she kept this from me for so long. And why she's so scared for me to find out who my real father is.

BINABASA MO ANG
TREENA (A Girl From Forest) ON GOING
Teen Fiction"I'm afraid to fall in love again, not because I lose my capability to love, but because.. I always end up of getting hurt."-Ziegfritz Taller, isang lalaki na bitter pagdating sa pag-ibig. Ngunit paano kung ang takot na kanyang nararamdaman na muli...