Kabanata 10

13 1 0
                                    

(Kabanata 10)

"Never give up on something that you really want. It's difficult to wait, but it's more difficult to regret."

°°°

Dahlia Janae

"HEY, Treena!" Pagkuha ko ng atensiyon sa parang lantang gulay kung maglakad na si Treena.

Pero nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Habang ako ay nagtataka lang siyang sinusundan ng tingin.

What's wrong with her? Hindi niya ba ako naririnig?

Kasalukuyan akong nakaupo sa pang isahang couch sa aming sala habang nagbabasa ng libro. Inaantay ko rito ang aking nobyo, dahil nagtext siya sa'kin na pupunta raw siya ngayon dito sa bahay.

"Treena!" Malakas na ang boses na muling pagtawag ko sa kanyang pangalan.

Hindi na ako nabigo, because this time ay dahan-dahan siyang lumingon sa akin.

"Oh, Dahlia? Nandyan ka pala, haha!" Pilit na sumigla ang kanyang itsura pagkakita sa akin.

Pinakatitigan ko siya ng maigi, at dun ko lubos na naaninag ang matamlay niyang itsura, ang bahagyang magulo na buhok, mukhang kulang na kulang sa tulog na mga mata at ang di maipaliwanag na itsura.

"What's wrong with you? Why is your face like that?" Hindi nakapagtimping siyasat ko.

"Ah.. nagpuyat kasi ako kagabi ehh." Humihikab pang paliwanag niya.

"For what reason?"

"For many many reason." Ika niya na isinenyas pa kung saan saan ang isang kamay hindi pa rin nawawala ang pagkalanta.

Marahan akong napatawa.

"Sige, alis na ako." pagpapa-alam niya pa.

"Wait!" pagpigil ko sa kanya. Agad naman siyang natigilan sa akmang gagawing pagtalikod sa akin.

Binitiwan ko ang hawak kong libro at tumayo. Medyo lumapit ako sa kanya ng konti, may kalayuan kasi ang distansya naming dalawa.

"Nga pala, baka hindi sa'yo makasundo ngayon si Cliff. Is that okay with you?" - habol ko pa.

Sunod-sunod siyang tumango. "Ah oo naman.. ano ka ba! Okay lang noh!" ani Treena na ikinumpas pa ang isang kamay.

Tuwing out niya kasi sa trabaho, ay lagi ko siyang pinapasundo sa boyfriend ko.

Concern lang talaga ako bilang kaibigan niya, lalo pa't alas diyes o kung minsan nga ay alas dose na ng gabi ang oras kung mag-out siya sa trabaho.

Marami pa namang tricycle ang bumabyahe sa ganyang oras, pero hindi natin alam ang pwedeng mangyari.. iba na ngayon ang panahon. Masyado ng delikado, at masyado na ring mapanganib ang mga tao.

Sandali akong nag-isip. "Ah!" napaturo pa ako sa itaas sa ideyang pumasok sa akin. "What if, si Zieg na lang ang ipasundo ko sa-"

TREENA (A Girl From Forest) ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon