Kabanata 21

19 0 0
                                    


(Kabanata 21)

"Don't judge the person without knowing the reason behind those action."

°°°

Alaine Chesny

AWTOMATIKO akong napahinto sa ginagawang paghakbang ng tawagin ni daddy ang pangalan ko.

"Come here, let's talk." Pormal niyang saad. Sumenyas pa siya sa'kin na lumapit ako sa kanila.

Pero hindi ko yun sinunod, instead.. sinandal ko ang sarili ko sa handrail ng aming hagdanan.

"Dad, please.. pwede po bang bukas na lang tayo mag-usap? Look, I'm so tired." Pakiusap ko, at parang lantang gulay na iwinasiwas ang mga kamay.

"I thought we talked about it a long time ago, Chesny.. and I thought it was already clear to you, that you can't bully your fellow students again." Seryosong paliwanag niya. And I know for sure, that he's already disappointed to me.

Huminga ako ng malalim. At lumipat ang paningin ko kay mommy, nakatayo siya sa tabi ni daddy. And there's also a disappointment that was written in her face.

"Okay, sorry. Hindi na mauulit." Labas sa ilong kong sinabi habang kumikibit kibit ang magkabilang balikat.

Akma na sana akong tatalikod, ngunit muli na naman akong natigilan.

"You know, that I am a governor of this province. And yet, you always do something that will ruin my name and my reputation. You're getting older Chesny, so please.. be mature enough and act like you're an adult. Imbes na mag-aral ka ng mabuti, hindi kasi kung ano ano pala ang inaatupag mo pag nasa eskwelahan ka." Malakas ang tinig at puno ng hinanakit na pangangaral niya sa'kin.

Biglang nagpanting ang tenga ko dahil sa mga binitawan niyang salita.

"I HATE IT!" Galit at malakas na sigaw ko.

Parehong nagulat ang mga magulang ko dahil sa hindi inaasahang magiging reaskyon ko.

"Chesny." Suway sakin ni mom. Anytime ay parang sasabog na ang dibdib ko.

"Pesteng politician yan! Pesteng reputasyon yan! Is that the only thing that you care about? Huh?"
Sobrang naninikip ang dibdib ko, kaya naman hindi ko namalayang bigla na lang tumulo ang mga luha ko.

"Chesny, watch your word." Mariing utos sakin ni mommy. Pinigilan niya ang daddy na makalapit sakin.

Paulit ulit na humihinga ng malalim si daddy, upang ikalma ang sarili. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang panginginig ng kanyang kalamnan dahil sa ginagawa kong harap-harapang pangbabastos sa kanya.

May mga maids ng nakikiusyoso sa amin, pero agad silang nakuha ng tingin ni mommy. Kaya agad silang nagsipagbalikan sa kani-kanilang trabaho.

"And what right do you have to insult me like that? Nandito ka sa pamamahay ko, ako ang nagpalaki at nagpakain sayo. Kaya wala kang karapatan na bastusin ako ng ganyan!" Umiigting ang panga niya dahil sa sobrang pagkainsulto, dinuro duro niya pa ako.

TREENA (A Girl From Forest) ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon