Kabanata 25

17 0 0
                                    


(Kabanata 25)

"You have to stand for something, or you'll fall for nothing."

°°°

Treena Laudine

"Oy, baka matunaw naman 'yan." Nakangising pang-aasar pa sa'kin ni Dahlia, na ang tinutukoy ay ang ginagawa kong pagtitig kay Ziegfritz.

"Huh? Matunaw ang alin?" Patay malisyang tanong ko, habang may napipilitang ngiti dahil sa unti-unting paggapang ng hiya sa buo kong sistema.

Ganun na ba talaga ako ka'obvious? Grabe! Nakakahiya!

"Baka matunaw si Zieg, dahil sa kanina mo pang ginagawang pagtitig." Dagdag pang-aasar ni Clifford na tuluyan ng naging dahilan ng pag-akyat ng lahat ng aking dugo papunta sa ulo dulot ng matinding kahihiyan.

Pareho ko silang dalawa na pinandilatan, ngunit ni hindi man lang sila nasindak mula sa aking matalim na pagkakatitig, tila nangbabanta.

Pumikit ako ng mariin, at nung pasimple kong tingnan si Ziegfritz.. ay mas lalo lamang akong nilamon ng matinding kahihiyan dahil sa nakakalokong tingin niya sa akin at nang-aasar na ngisi.

Napapadyak na lamang ako sa matinding pagkaasar, dahil pakiramdam ko ay pinagtutulungan nila akong tatlo.

***

"So, you are the only one who live here.. huh, Treena?" Puno ng kuryusidad na tanong sa akin ni Clifford, matapos ay inilibot ang paningin sa loob ng aming maliit na bahay.

Nandirito na kami ngayon sa aming maliit na sala. Habang magkakatapat na nakaupo at nagkukwentuhan.

Pagkalapag na pagkalapag ko ng meryenda sa lamesang nakapagitan sa bawat isa sa amin, ay iyon ang panibagong katanungan na binuksan ni Clifford.

Umupo na ako sa tabi ni Zieg, medyo may kalayuan nga lang ang distansya naming dalawa dahil naiilang pa rin ako hanggang ngayon dulot ng naging tagpo kanina lang. Magkatabi rin ang magkasintahan. Bale, magkaharap kaming dalawa ni Dahlia at magkaharap naman iyong dalawang lalaki.

"Ahm, sa ngayon ako lang dito ang mag-isa, kasi si nanay.. nasa palengke siya ngayon." Kaswal kong tugon.

Nagsimula na silang humigop sa kanilang mga baso ng juice.

"Ah! Iyon ba 'yung nanay mo? Yung kasama mo noon sa school nung minsang ma'guidance kayo?" Muling tanong ni Clifford.

Tumango muna ako. "Ahm, yhup."

"She's pretty, of course! Same with you Treena, and I dunno, but she looks really familiar. Parang I see her from somewhere else." muling komento ni Clifford na may kasamang pagkibit ng balikat, na bahagya pang nangunot ang noo, tila may inaalala.

Bigla akong na'curious sa mga sinabi ni Clifford.

"Where did you saw her, baby?" Si Dahlia ang nagtanong.

TREENA (A Girl From Forest) ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon