(Kabanata 4)"Nobody has the power to make things perfect, but.. everyone is give a countless chances to make things right."
°°°
Treena
"OY teh, buti na lang at si Sir Zieg iyong customer na aksidenteng natapunan mo sa damit, kasi kung iba 'yun, malamang! Bukas din, ay wala ka nang trabaho niyan." pagkausap sa'kin ng baklang waiter, na si Suljoe.. nagpakilala na kasi sakin toh kanina eh, at madalas siya ang kumakausap sa'kin habang nasa working area kami kanina.Nilingon ko ang kinaroroonan niya na ngayon ay naglalakad na papunta sa akin. "Ha? Bakit naman?" walang interes na tanong ko, habang abala sa pag-aayos ng mga gamit ko sa loob ng aking bag.
Kasalukuyan na kaming naghahanda para magsipag-uwian, nandito ako ngayon sa area naming mga empleyado at may mangilan ngilan pang kasama, kung saan dito pwedeng magpahinga, at may tig iisang locker din na para sa amin. Nakabihis na rin ako ng casual lamang na damit, pantalon na maong at sando sa pang itaas na pinatungan ng gray jacket.
Tuluyan na nga siyang nakalapit sa akin, at ngayon ay nakatayo na sa may gilid ko.
"Kasi teh, iyong si Sir Pogi, ay matagal ng customer dito, at maliban diyan.. ay magkakilala sila ni Sir Clint, dahil na rin kay Mam Dahlia, kaya malamang na kilala ka rin niya, at aware siyang kaibigan ka ni Mam Dahlia kaya hindi na siya nagreklamo pa sa manager." pagbibigay niya ng paliwanag sa akin.Napahinto muna ako sandali, bago nakayukong i'zinipper iyong bag ko at isinukbit sa likod ang aking bag pack. Sir Pogi? Sino? Iyong Zieg na 'yun?
Pagharap ko sa kanya ay tinanguan ko siya habang may tipid na ngiti, tanda ng pagsang-ayon sa kanyang sinabi.
"Ang pogi niya noh? Grabe! Nakakalaglag ng panty ang kapogian. Eehh!" malandi ang boses niyang saad habang kinikilig. Ang mapulang mga pisngi dulot ng blush on, ay mas lalo pang pumula. Halos mapunit na rin ang bibig sa tindi ng pagkakangiti habang tumitirik pa ang mga mata. Medyo may kalakihan ang tiyan ni Suljoe, ngunit hindi naman katabaan ang pangangatawan. Siguro, mahilig itong uminom ng beer, kaya ganito ang tiyan. Malaki ang kanyang magkabilang mata at medyo may kalakihan din ang mga ngipin. May mga ipit din na makukulay sa kanyang buhok.
"Ang tanong! Meron ka bang panty?" tatawa tawang biglang pagsingit sa usapan namin ng isang babae na katulad ko, ay waitress din. Hindi ko alam ang pangalan ng isang toh. Abala siya sa paghahalungkat sa kanyang locker.
"Bakla ka, pwede bang isupport mo na lang ako!" pagbibiro ni Suljoe doon sa naturang babae.
Bago lumapit sa amin iyong sumingit na babae, na sa hula ko eh close rin nitong si Suljoe ay kinuha niya muna ang kanyang bag na nakapatong sa isang silya.
"Aish! Nangangarap ka na naman ng gising na bakla ka. May bukana ang bet nun, hindi 'yung may patola. Haha!"
Sabay pa silang natawa na dalawa. Okay, OP here."Oy teh, may inosente tayong kasama. Tigilan mo muna 'yang kamanyakan mo. Baka mamaya, malaspag na rin itong kagaya mo! Hahaha!" si Suljoe na lang iyong humalakhak sa kanyang biro, samantalang iyong kabiruan niya ay mukhang hindi nagustuhan ang ginawa niyang biro, dahil peke na lang itong humalakhak at ngumiwi pa sa huli.

BINABASA MO ANG
TREENA (A Girl From Forest) ON GOING
Novela Juvenil"I'm afraid to fall in love again, not because I lose my capability to love, but because.. I always end up of getting hurt."-Ziegfritz Taller, isang lalaki na bitter pagdating sa pag-ibig. Ngunit paano kung ang takot na kanyang nararamdaman na muli...