Prologo

20 2 0
                                    

PROLOGO •••

"Tumakbo ka na Harlene, ilayo mo na rito ang bata." muling pakiusap niya sa akin.

Ngunit hindi ako nakinig, bagkus.. ay nanatili pa rin ako sa aking pwesto habang lumuluha ang mga mata at mahigpit ang pagkakakarga sa sanggol na payapang natutulog.

"Hindi kita maaaring iwanan dito Safrina, paano ka na? Kapag iniwanan kita ritong mag-isa?" muling pagmamatigas ko na 'wag siyang iwanan, sa kabila ng katotohanang ni wala akong naitutulong sa kanya kung 'di ang pagmasdan lamang siya sa kanyang nahihirapang pakikipaglaban.

Wala akong nakuhang tugon mula sa kanya, at 'ayun pa rin siya.. mag isang nilalabanan ang daan daang mga kalalakihan na may iba't ibang klase ng sandatang sumugod sa bahay ng aking kaibigan na si Safrina.


Mabuti na lamang at ng mga oras na 'yun, ay nandoon ako sa loob ng kanyang bahay.. kaya hindi nagawang saktan ang kanyang nag iisang anak ninuman.

"HARLENE!!!"

Nagulantang ako sa malakas na pagsigaw ng aking pangalan ni Safrina.

"Aahhh!" nanggagalaiting sigaw ng estrangherong lalaki na halos hindi ko namalayang nakalapit na pala sa akin.
Agad na binalutan ang buong sistema ko nang magkakahalo halong takot at kaba.

Akma niya akong dadambain, ngunit agad kong naiwas ang aking sarili, at pasalampak na napaupo sa lupang kapatagan.

Muling naluha ang aking mga mata dahil sa matinding takot.

Sa tanang buhay ko, ay ngayon ko pa lang naramdaman ang matinding panghihilakbot para sa kapakanan ng aking buhay.

Wala ng mapaglagyan ang takot at kaba na nararamdaman ko sa mga oras na iyon, at ang tanging nagagawa ko na lamang ngayon ay ang tahimik na magdasal para sa kaligtasan naming tatlo.

Mabilis na nakalapit sa amin si Safrina, at puno ng galit na pinagsasasaksak sa tagiliran ang lalaking magtatangkang kitilin ang aking buhay at ang buhay ng kanyang pinakamamahal na anak.

Pagal, matinding takot, matinding pag aalala at kalungkutan ang mababasa sa kanyang mga mata. Halo halong emosyon ngunit, tanging kalungkutan ang mas nangingibabaw.

"Harlene, umalis ka na rito. Ilayo mo na rito ang anak ko. Nagmamakaawa ako sa 'yo."

May mga luha na ring kumalat sa magkabila niyang pisngi, habang  butil butil ang pawis na tumatagaktak mula sa kanyang noo.

Muling naluha ang kanyang magkabilang mata habang puno ng pagmamahal na pinakatitigan ang mukha ng kanyang anak na payapang natutulog. Hinagkan niya ito sa noo, at madamdaming mahigpit na yinakap habang nananatiling nasa mga bisig ko.

Ramdam na ramdam ko ang kanyang pangungulila para sa kanyang pinakamamahal na anak, dahil kahit na sinong ina ay hinding hindi gugustuhing mawalay sa kanilang anak. Ang pag-iwan sa anak ang huling bagay na gagawin ng isang mabuting ina.

Mariin ko siyang tinanguan, tanda ng pagsang-ayon, at nanginginig man ang mga kamay at nanghihina ang mga tuhod ay pinilit kong tumayo upang magsimulang humakbang papalayo sa kanya.

Tumakbo ako papuntang bakuran ng kanyang bahay, at sa huling pagkakataon ay nilingon ko ang kinaroroonan ng aking kaibigan, 'ayun siya.. nakikipaglaban pa rin para sa kaligtasan ng kanyang buhay.

~ • ~ • ~ •

A'N,

Hello guys.. sana po ay suportahan at basahin niyo ang kwentong ito na isinulat ko dito sa mundo ng wattpad.

Maaaring, hindi ito kasingganda ng ibang mga stories na nabasa niyo na at babasahin niyo pa. But, just read it and enjoy..

Thank you.. Arigatō gozaimasu :)

TREENA (A Girl From Forest) ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon