Kabanata 28

38 0 0
                                    


(Kabanata 28)

"Nobody can ever promise you that they will never hurt you, because at one point in time it will happen, it is just a matter of 'When' ."

°°°

Treena Laudine

"Oy Treena, Sorry na." Seryosong aniya, saka pinahinto ako sa paglalakad sa pamamagitan ng pagpigil sa aking balikat.

Nakakunot ang noo ko siyang hinarap.
"Bat ka ba kasi nantitrip, ha? Wala kana bang ibang alam na gawin dyan sa buhay mo, kundi ang guluhin ako? Ha?" Naiinis talagang hayag ko. Saka muli siyang tinalikuran, ngunit muli ding natigilan lalo na nung maramdamang sumusunod na naman siya.

"Tsaka pwede ba Gyro, umalis kana nga.. kaya ko ng umuwing mag-isa. Hindi mo na ako kailangan pang ihatid. Okay? Tsk!" Walang tigil na pagtataray ko.

"Luh, ayoko nga! Pano kung may mangyari dyan sayong masama, ha? Edi, konsensya ko pa. Sa ayaw at sa gusto mo, ay ihahatid kita! Okay?" Pagpupumilit niya pa, habang may papikit pikit pa ng mata at namaywang pa ang sira! Haha! Mas nalamangan pa ang pagtataray ko sa kanya.

Patago akong natawa dahil sa iniakto niya at wala na ring nagawa kundi ang magpahatid na lang dahil sa angking kakulitan niya.

Akala ko ay tuluyan na akong makakapagpahinga, pero hindi pa pala.. pano ba naman kasi itong si Gyro, hinila pa ako papasok ng convenience store.

Bago kasi makarating sa bahay nila Dahlia, ay may madadaanan munang convenience store.

"Hoy ano ba.. ano bang ginagawa natin dito?" Inis na tanong ko, napakahilig talaga nitong manghila.

Wala siyang naging tugon, bagkus ay dumeretso lang siya ng counter at bumili ng yosi.

"Pili kana ng gusto mong kainin, treat ko." Sabi niya, pagkalapit sa akin. Na may kasama pang pagtaas baba ng kilay.

Napairap na lang ako sa hangin at napasinghal. Hindi na ako nag-inarte, lalo pa't gutom na rin ako.

Tinapay at softdrinks lang ang pinili kong kainin.

"Bat yan lang ang kakainin mo? Ano, gusto mo bang humanap tayo ng ibang kainan? Yung sa masarap. Ha?" Concern niyang tanong.

Kasalukuyan na kaming nasa labas ng convenience store, nakaupo ako habang siya naman ay nakatayo lang sa harap ko at merong mesa na nakapagitan sa amin. May mangilan ngilan pa kaming kasama sa mga oras na toh, karamihan ay mga teenager din kagaya namin.

"Ayos na toh." Kaswal kong sagot, saka ngumiti ng bahagya.

Umupo siya sa harap ko. "Ay sus, sabi ko naman sayo di ba, treat ko. Kaya dapat kung anong gusto mong kainin, ay kinuha mo lang. Wag kang magdadahilan na hindi ka gutom, lalo pa't narinig ko kanina na tumunog 'yang tiyan mo. Hehe."

Tipid lang akong ngumiti, tsaka matamlay na tumitig sa hawak kong cellphone.

"Hmm.. so nage'expect ka pa rin ba na susunduin ka ni Ziegfritz?"

Nilingon ko siya agad.. "huh?" Nagtatakang sambit ko. Nabigla kasi ako sa naging tanong niya. At hindi ko talaga ine'expect na ganun ang magiging tanong niya sa'kin.

Bumuntong hininga siya, at umiwas ng tingin. "Yosi muna ako." Hindi nakatingin sa aking paalam niya.

"Ano?" Hindi na naman makapaniwalang tanong ko. Nagyoyosi siya?

Oo nga pala, bumili siya kanina ng isang kaha ng sigarilyo. Pero hindi ko inaakala na sa kanya pala yun, akala ko ay pabili lang sa kanya.

"Nagyoyosi ka?" Kahit obvious naman na, ay tinanong ko pa din.

TREENA (A Girl From Forest) ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon