(Kabanata 27)"It is funny to think, that the person who seems to be just ordinary before, is now the person who's making your day, Complete."
°°°
Treena Laudine
"Stop! Stop thinking that way." Agad na pagsuway sakin ni Zieg.
Mapait lang akong ngumiti at mas piniling ipagpatuloy ang pagsasalita.
"At dumagdag pa sa sakit nito.." tinuro ko ang puso ko. "Ay nung marinig ko ang mga sinabi mo kay Clifford nung minsang magkakasama tayo sa talon." Marahan akong tumitig sa kanya. Habang siya ay nangunot ang noo. Tila inaalala kung alin ang tinutukoy ko.
Ilang minuto na ang nakalipas ngunit nanatiling blangko ang kanyang mukha.
"Wh—at are you talking about? I.. I can't remember anything." Pahina nang pahina ang boses na aniya. Tila naging frustrated din ang itsura dahil sa wala siyang maalala.
Lumabi ako.. "Yung sinabi mo, na natatakot ka pa na magmahal muli. Hindi dahil sa nawalan ka ng kakayahang magmahal. Kundi dahil sa.. palaging humahantong sa huli na ika'y nasasaktan." Detalyado ko pang sinabi. Bagama't tinagalog na lang, ay sauladong saulado naman.
Hindi ko maintindihan, ngunit kumirot ulit ang puso ko.
Umiwas siya ng tingin.. "Yes! I'm really afraid to fall in love again." Panimula niya.
Sinalubong niya ang aking tingin at makahulugan akong pinakatitigan. Saka humugot ng malalim na hininga. "But, when I met you.. everything's changed. Bigla ulit nagulo ang nananahimik kong mundo." Maikli siyang tumawa. And he's super cute. Kaya natawa na din ako.
Bakit ganun? Parang sinisisi niya ako? Bakit pereng keshelenen ko? Keshelenen ko?
"Nagbago ulit yung pananaw ko sa buhay simula ng makilala kita.. nawala yung takot ko, nawala yung lahat ng alinlangan ko. Kaya nung mga araw na hindi mo ako pinapansin. Ay sobra ako nung nasaktan, at doon ko din narealize kung gaano ka kahalaga sa akin." Nagningning ang kanyang mga mata.
Biglang kumabog ng malakas ang aking dibdib.. nagco'confess na ba siya ng kanyang feelings?
"I don't know! I don't even understand myself when it comes to you.." aniya, at tumitig ng deretso sa aking mga mata. "Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit sa tuwing magkasama tayo ay sobrang saya ang nararamdaman ko. Kung bakit sa tuwing nakikita kitang masaya ay napapangiti na rin ako.. at sa tuwing malungkot ka at sinasaktan ng iba.. ay gustong gusto kong iparamdam sa'yo na I'm always here and you're not alone." Malungkot niyang sinabi..
Huminga siya ng malalim, habang ako ay tameme lang. Tila hindi pa din sumisink-in sa utak ko ang pagco'confess na ginagawa niya.
Dahan dahan siyang naglakad papalapit sa akin. At kinuha ang nanlalamig kong kamay, saka mariin itong pinisil.

BINABASA MO ANG
TREENA (A Girl From Forest) ON GOING
Teen Fiction"I'm afraid to fall in love again, not because I lose my capability to love, but because.. I always end up of getting hurt."-Ziegfritz Taller, isang lalaki na bitter pagdating sa pag-ibig. Ngunit paano kung ang takot na kanyang nararamdaman na muli...