(Kabanata 12)"Loving someone who doesn't feel the same way is like using a white crayon on a white paper. It marks, but always Invisible."
°°°
Treena Laudine
NAGUGULUHAN akong napalingon sa katabing si Dahlia, ngunit nananatili lamang ang kanyang matalim na titig sa kaharap na si Edelweiss.
Mapaklang nagpakawala ng tawa si Dahlia. Iniling iling niya pa ang kanyang ulo na para bang isang napakalaking kasinungalingan iyong kanyang mga narinig mula sa kasalukuyang tao na kaharap.
"Tigilan mo na nga 'yang pakikipagplastikan mo! Immune na immune na ako dyan sa kaplastikan mo gurl! Alam mo, wala ka dapat dito sa loob ng school eh, 'andun ka dapat nakalagay sa loob ng hindi nabubulok na basurahan." magkahalong pagkapikon at pagkainis na wika ni Dahlia, at sinundan ng tawanan ng barkada. Kahit ako, ay nakitawa na rin, grabe! Ang harsh lang nun.
Pinakamalakas na tawa syempre ay ang kay Adrielle, nakipag-apir pa nga siya dun sa dalawa, kay Tazlin at Shantelle.
"Hontō ni? Eh kung ako plastik. Ano ka naman? Traydor?!" Muling hirit ni Edelweiss na bahagya pang itinuro si Dahlia. "Ah, Hangyakusha!" tumango tango pa ito matapos sabihin ang salitang iyon na sa hula ko, eh Japanese language.
(Hontō ni-meaning really)
(Hangyakusha-meaning traitor)"Hoy! Edilwit! Ano ba 'yang mga pinagsasasabi mo, huh? 'Yung totoo, saang planeta ka ba talaga nagmula? Nasa earth tayo teh, pero pang'alien 'yang lenggwahe mo! Nakaka'imbyerna!" nang-aasar at napipikong turan ni Adrielle. Napasapo pa ito sa kanyang noo. Natawa na lamang kaming mga kasama niya, grabe! Nakakaaliw talaga siya. Haha!
"Excuse me?" si Edelweiss sa napipikong boses. Hindi makapaniwala doon sa kanyang mga narinig. Naituro niya pa ang kanyang sarili.
"Correction, my name is Edelweiss not Edilwit! And hindi alien words ang mga sinasabi ko, it's Japanese! Aral aral din kasi pagmay'time, ng hindi maging ignorante! Ugpok na 'to!" pang'iinsulto niya pa.
Humagalpak ng tawa iyong si Chesny at Edelweiss. Samantalang iyong isa pa nilang kasama na si Jekyll, ay kanina ko pa napapansing tahimik lang magmula pa nung kanina na dumating sila.
"Edelweiss! Edilwit! Didit! Ano pa man 'yan, wala akong pakialam! Kung ugpok ako, eh ikaw.." si Adrielle na inilapit pa ang kanyang sarili doon kay Edelweiss. Hinawakan naman namin siya sa magkabilaan niyang braso. Ang tapang din ng isang toh, small but terrible!
"Ano ha?!" inilapit din nung Edelweiss ang kanyang sarili kay Adrielle, habang gigil na napapakagat pa ito sa kanyang pang'ibabang labi. Taas noo siyang nakipagtagisan ng titig sa hindi niya kapantay na height na si Adrielle.
"Imburnal!" pasigaw na sabi ni Adrielle. At inilayo ang kanyang sarili.
"What?" naguguluhan namang tanong ni Edelweiss.

BINABASA MO ANG
TREENA (A Girl From Forest) ON GOING
Ficção Adolescente"I'm afraid to fall in love again, not because I lose my capability to love, but because.. I always end up of getting hurt."-Ziegfritz Taller, isang lalaki na bitter pagdating sa pag-ibig. Ngunit paano kung ang takot na kanyang nararamdaman na muli...