(Kabanata 16)"Don't be among those who give up early, and regret later."
°°°
Ziegfritz Taller
BIGO akong umuwi sa aming bahay, pano ba naman kasi.. ang daming interrupter kanina. Kaya hindi ko tuloy nasabi kay Treena na gusto siyang ma'meet ng family ko, this coming Sunday.
Yes! Ngayong darating na linggo na nila gustong ma'meet ang fake girlfriend ko. Namomroblema tuloy ako, dahil bukod sa hindi ko alam kung papayag ba sa kagustuhan kong mangyari si Treena.. ay nakakaguilty rin sapagkat magsisinungaling ako sa aking pamilya. I mean, sa parents ko lang pala. Dahil alam naman na ang tungkol doon ng kapatid kong si Zhlierian.
Mabibigat ang mga hakbang ko habang patungo sa aking kwarto. Panay din ang pagpapakawala ko ng malalalim na paghinga.
Ewan ko ba, pero parang sobrang napagod ang buong katawan at ang aking isipan . Kahit naman ang totoo, ay wala akong ibang ginawa sa maghapon.. kung 'di ang maupo at makinig sa lectures.
"Kuya!" Pasigaw na pagtawag sa akin ni Zhlierian.
Laylay ang mga balikat ko siyang hinarap. Napaka'energetic nang boses niya, at nakakasilaw ang ngiti sa kanyang labi. Napangiti na lang tuloy ako ng pilit, upang kahit papaano ay makasabay sa napakataas niyang energy.
Dali dali siyang lumapit sa akin habang ang isang kamay ay may hawak na cellphone, umiilaw pa nga ang screen niyon eh.
"Kuya, ano?! Nakausap mo na ba si ate Treena? Ha?" Excited niyang tanong sa akin, nung pagkalapit.
"Hindi pa eh." Kaswal kong tugon. Pilit ikinukubli ang panghihina sa aking kalooban.
"Ay.." naiusal niya.
"Gusto mo, ako na lang ang kumausap kay Ate Treena? Ha?!" Masiglang suhestiyon niya.
Umiling ako. "Anong ikaw? Ano namang sasabihin mo dun, aber? And, do you think, she knows you?"
"Edi, magpapakilala ako sa kanya. At sasabihin ko, na we're siblings. Hehe!" Tiwalang wika niya.
"Tsk! Ewan ko sa'yo.. baka, paguluhin mo lang ang sitwasyon. Wag na, ako na lang. " Walang bilib kong turan sa kanya.
Sumimangot naman siya, at pumindot sa kanyang cellphone.
Teka! May katext ba 'tong kapatid ko? Pinagkunotan ko siya ng noo, ngunit dahil sa abala siya sa pagpipindot sa kanyang cp ay hindi niya nakikita ang reaksyon ko.
Dahan dahan siyang ngumiti, na nakapagpainit ng ulo ko. Parang kinikilig.. tsk! Hindi ba siya aware na nasa harapan niya ako? Na nakatayo mismo sa harapan niya ang kanyang kuya.
At dahil sa pagkainis na may halong pagkainsulto, ay marahas kong inagaw sa kanya ang kanyang cellphone.
Nagulat siya sa ginawa ko.
"Kuya Zieg, what are you doing?! Why did you grabbed my phone?" Nanlalaki ang mga matang tanong niya sa akin.

BINABASA MO ANG
TREENA (A Girl From Forest) ON GOING
Ficção Adolescente"I'm afraid to fall in love again, not because I lose my capability to love, but because.. I always end up of getting hurt."-Ziegfritz Taller, isang lalaki na bitter pagdating sa pag-ibig. Ngunit paano kung ang takot na kanyang nararamdaman na muli...