(Kabanata 9)"No one is really busy. It all depends on what number you are in their priority list (^_^)."
°°°
Treena Laudine
"HAYY.. ang sweet nila 'no?" Pang-iinggit kong pang-aasar sa tinabihang si Zieg. Si Sandy at Chesny ang tinutukoy kong sweet.. pareho namin silang nakikita rito mula sa aming kinatatayuan.
Kasalukuyan silang dalawa na kumakain sa isang fast food chain na matatagpuan sa kung tawagin ay downtown ng Ilaog Pandan.
Bumili kasi ako ng bagong rubber shoes sa isang mall para sa subject naming PE.. iyon kasing nadala ko, ay sira na at hindi na pwedeng idaan sa paggamit ng rugby at shoes glue.
Ngunit pagkalabas ko ng naturang mall, ay namataan ko ang isang pamilyar na tindig habang nakapamulsa at nakatayo sa labas ng isang kilalang fast food chain, salamin ang haligi nun kaya kita ang mga taong nasa loob, ngunit kung ikaw naman ay nasa loob.. hindi mo makikita ang mga tao at sasakyang mga nasa labas.
Kaya siguro ganun na lang kalakas ang loob niyang pagmasdan ang dalawang taong kumakain sa loob, dahil confident na confident siyang hindi siya makikita nung dalawang taong tinitignan niya.
Kunot-noo niyang inilipat ang paningin sa akin. "What the – what are you doing here?" Gulat niyang tanong pagkakita sa'kin.
Bago ko siya sinagot, ay madalian ko munang pinagmasdan si Chesny at Sandy na masayang nagkukwentuhan habang kumakain.
"Bakit mo tino'torture ang sarili mo? Ganyan ba talaga ang mga taong hindi pa nakakapag'move on? O, ikaw lang ang ganyan?" walang pasubaling pang uusisa ko.Hindi kami close, ngunit kung mang usisa ako sa totoong nararamdaman niya, ay akala mo'y matagal ko na siyang nakasama. Samantalang, sa tuwing magtatagpo kaming dalawa, bagama't nag-uusap.. pero hindi parating maganda ang nagiging resulta.
Nanghagilap siya ng maisasagot sa akin. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, ay bahagya akong nakaramdam ng takot dahil sa pag-iba ng kulay ng kanyang asul na mga mata.
Ewan ko, pero para iyong naging madilim sa aking paningin.. o baka naman ay napapraning lamang ako, pwede ba 'yun? Mapalitan ng ibang kulay ang mata ng isang tao depende sa nararamdaman nito? Imposible!
Napabuga siya ng hangin sa kabilang direksyon at peke munang tumawa bago tumitig sa akin ng matalim. Napaatras pa nga ako. Lagot! Bad idea 'ata ang ginawa kong paglapit sa kanya.
"Stop being nosy! Mind your own business! Will you? Tsh!" Galit niya pang sabi.
Bakit ba ang short tempered ng lalaking toh?
Samantalang kung insultuhin at husgahan niya nga ako, ay dinaig pa ang mga dating nangbully sakin sa dati kong school.
"Toh naman.. nagtatanong lang naman ako. Wala naman akong ginagawang masama sayo." nakangusong pagtatanggol ko pa sa aking sarili.
Suminghal siya at tiningnan ako sa hindi makapaniwalang paraan. "What are you doing here ba kasi? And what's your reason why you're here? Wala ka na bang ibang talent, kundi ang sumulpot na lang basta sa harapan ko?" nanunuya niya pang turan.

BINABASA MO ANG
TREENA (A Girl From Forest) ON GOING
Fiksi Remaja"I'm afraid to fall in love again, not because I lose my capability to love, but because.. I always end up of getting hurt."-Ziegfritz Taller, isang lalaki na bitter pagdating sa pag-ibig. Ngunit paano kung ang takot na kanyang nararamdaman na muli...