(Kabanata 7)"No matter how unimportant you may think you are, always remember that you have a very important part to someone's life."
°°°
Jansen Sandy
ISANG mabigat na bagay ang tumama sa aking likuran, napadaing na lang ako sa sakit na natamo dahil sa librong ibinato sa akin sa likod.
Inaasahan ko na ito, ngunit hindi ko napaghandaan.
"How dare you, you don't have any rights to hurt him like that!" dinig kong nanggagalaiting boses ni Chesny mula sa aking likuran.
Huminga muna ako ng malalim at napapikit ng mariin bago humarap at sinalubong ang nag aapoy sa galit niyang mata.
Buti na lang, at kaming dalawa na lang ang tao rito sa loob ng aming classroom. Dahil ayokong mapahiya sa harap ng mga tao, lalo na sa harap ng aking mga kaibigan.
Eksakto ang dating niya nung magsialisan ang mga kaibigan ko, sa labas sila ng campus maglalunch, at dahil sa tinawagan ako ni Chesny na magkikita kami ngayon ay hindi muna ako sumama sa kanila, bagkus ay hinintay kong puntahan ako ni Chesny kahit na may ideya na ako kung tungkol saan ang aming pag-uusapan.
"Damn! He's so lucky, kasi ng dahil sa kanya, ay nagkakaganyan ka." Insecure at puno ng hinanakit kong sinabi.
Napabuga siya ng hangin, at muling tumingin sa akin ng may nanlilisik pa ring mga mata.
"And who do you think you are, to hurt him like that!? Sa tingin mo ba, makakatulong iyong ginawa mo, para magbago ang nararamdaman ko para sa'yo? Hindi! dahil kahit na anong gawin mo, at kahit na ano pang sabihin mo.. ay hinding hindi kita matututunang mahalin!" parang may tumusok na punyal sa dibdib ko matapos marinig ang mga salitang binitawan niya.
Dapat sanay na ako, dapat tanggap ko na toh.. ngunit, bakit hanggang ngayon? Ay labis pa rin akong nasasaktan sa katotohanang hinding hindi niya ibibigay sa akin ng buong buo ang pagmamahal niya, na hinding hindi niya ako kayang mahalin at tanggapin.. dahil hanggang ngayon, ay ang lintik na Ziegfritz pa ring iyon ang umuokopa sa puso niya.
"Matututunan mo rin akong mahalin, Chesny.. maaring hindi pa ngayon.. pero malay mo 'di ba? Bukas o makalawa, ay ako na pala ang laman niyang puso't isipan mo." Mapait akong natawa, idinaan na lamang sa biro ang lahat para maikubli ang sakit na dahan dahang pumapatay sa akin.
Inirapan niya ako. "Will you stop from laughing, Jansen? My god! I'm freaking serious here, can't you see?!" ani Chesny, sa naiinis pa rin na tono.
"I know, I know.." sabi ko sa pagitan ng pilit na pagtawa. "Pero seryoso rin naman ako, seryoso ako sa'yo. Chesny." puno ng emosyon ang tinig na pag-amin ko.
Sandali siyang natahimik, habang nanatili lamang nakatitig sa akin sa hindi makapaniwalang paraan.
"Ha!" singhal niya pa.

BINABASA MO ANG
TREENA (A Girl From Forest) ON GOING
Teen Fiction"I'm afraid to fall in love again, not because I lose my capability to love, but because.. I always end up of getting hurt."-Ziegfritz Taller, isang lalaki na bitter pagdating sa pag-ibig. Ngunit paano kung ang takot na kanyang nararamdaman na muli...