Kabanata 26

25 0 0
                                    


(Kabanata 26)

"People will never understand the decisions you make, unless they have experienced how hard it is to be in your place."

°°°

Treena Laudine

HALOS ilang araw na rin pala ang lumipas magmula nung marinig ko ang mga salitang yun galing kay Zieg.

At sa mga nagdaang araw na iyon ay sa tuwing nagtatagpo ang landas naming dalawa, ay wala akong ibang ginawa kundi ang iwasan siya.

Ganun din kapag nilalapitan niya ako at kinakausap.. ay panay lang ang pag-iwas at paggawa ko ng palusot.

Kesyo may pupuntahan ako, kesyo lalapitan ko ang mga kaibigan ko, kesyo nagmamadali ako, busy ako, nagugutom ako, nauuhaw, inaantok, wala sa mood. Lahat na yata ng mga palusot na ginagawa ng isang taong may iniiwasan ay nagawa ko kay Zieg.

Paniguradong nahalata niya ang lahat ng mga kakaibang ikinilos ko, nahalata niyang iniiwasan ko siya.

Kahit sino naman siguro ay talagang mahahalata ako.. masyado kasi akong obvious. Nakakainis lang, dahil hindi ako magaling sa mga ganitong bagay. Hindi ako expert sa pagsisinungaling at hindi magaling mag-isip ng mga naaayon na dahilan.

Maging ang mga kaibigan ko nga ay nagtanong. May minsan pang kinompronta niya ako, ni Zieg. Tinanong niya ako kung ano raw ba ang problema. Kung may nagawa raw ba siyang hindi ko nagustuhan.

Parang gusto ko ng sabihin sa kanya ang totoo kong dahilan, na kaya ko siya iniiwasan.. ay para wag ng lumala pa ang nararamdaman ko para sa kanya. Hangga't kaya pa, hangga't pwede pa ay susubukan ko ang aking sarili, ang aking puso na pigilang tuluyang maglala itong feelings ko para sa kanya.

Ngunit ang tanging isinagot ko na lamang, ay wala.. na walang problema. Na walang dahilan para iwasan ko siya. At  muli ko na namang ipinagpatuloy ang pag-iwas.

Pag-iwas.. na hindi ko alam kung hanggang kailan ko matatagalang gawin. At hindi ko matukoy kung makakaya ko bang mapanindigan.. gayong makita ko pa lamang siya, matanaw ko pa lamang siya mula sa malayo.. ay kumakabog na ng pagkalakas lakas ang puso ko.

"Oy, friend.. may sasabihin ako sa'yo." Maya-mayang saad ni Adrielle, na umupo sa tabi ko. Habang ako, ay abala na sa pagliligpit ng mga gamit ko. Tapos na kasi ang last subject namin ngayong umaga. Napaaga nga ang pag'dismiss sa'min dahil nagkaroon ng urgent meeting ang mga teachers.

"Ano 'yun?" Wala sa kanya ang atensiyon na tanong ko.

"Oy, ano? Saan tayo guys magla'lunch?" Nakatayo ng ani Dahlia.

"Maaga pa naman Dahlia." Nakangusong giit naman ni Adrielle.

"Nagtatanong lang ako, ano ba Adrielle. Hindi pa naman ibig sabihin, eh magla'lunch na tayo." Paliwanag naman ni Dahlia.

"Dun na lang tayo sa canteen." Suhestiyon ni Shantelle.

Nagpaalam muna si Shantelle at Tazlin na may pupuntahan.

Samantalang si Dahlia ay lumapit sa kanyang nobyo. Nasa loob pa pala nitong classroom si Ziegfritz, kasama ang kanyang mga kaibigan na abala sa pagsisipaglaro sa kanikanilang mga cellphone. Nilingon ko siya, at nagpapasalamat ako sapagkat nakatalikod siya sa may gawi namin.

Bale, magkatalikuran kaming dalawa. Ngunit ang aming distansya, ay medyo magkalapit.. kaya ramdam ko pa rin ang pagkailang.

"Oy, ex mo pala si Grendell Triyas.. grabe! Asawa na siya nung pinsan ko." Biglang sabi ni Adrielle na talaga namang ikinagulat ko.

TREENA (A Girl From Forest) ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon